Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, pinaghahandaan na ang pagbubuntis

????????????????????????????????????
LOVELESS ngayon si Vina Morales at extra careful na siya sa pagpili ng mamahalin. Pero never napagod ang puso niya na magmahal muli.
“Wala akong lovelife. Sana magka-lovelife naman ako. Wala pa rin hanggang ngayon eh, medyo mapili,” kuwento ng aktres nang makahuntahan namin sa isa sa 20 branches nila ng Ystilo Salon sa Greenhills.
Ani Vina, bagamat may anak na siya at masasabing kompleto na bilang babae, gusto pa rin niya ng may makakasama habambuhay. ”Pero ayokong madaliin,” giit nito. ”I mean dumating naman ako sa point na na-in-love ako, may boyfriend. Pero kung hindi seryoso at pang-fun lang ‘wag na.”
Extra careful na siyang magmahal muli dahil natatakot na siyang masaktan. Pero ipinaalam na niya sa kanyang anak na si Ceana na magbo-boyfriend pa rin siya at mag-aanak pa.
“Okey naman sa kanya, tumatawa lang, ngumingiti. Wala naman siyang sinasabi.
“Gusto ko talagang magka-baby. Ipinaririnig ko talaga sa kanya at inihahanda ko na siya. Siyempre nasanay siya na siya lang sa loob ng siyam na taon,” kuwento pa ni Vina na ipinagdiriwang ang ika-20 anibersaryo ng kanilang Ystilo Salon na may mga magbubukas pang branches, sa Sta Lucia at Marquee Mall.
Speaking of Ystilo Salon, kaugnay ng kanilang 20th years may mga promo silang handog sa kanilang mga consumer. Maaari n’yong i-avail ang promo na 50% off on services from Sept. 18-20; 30% off (Sept. 8 to Oct. 31); at 20% off (Sept. 8 to Nov. 30).
Ngayong anniversary month nila, personal na pinupuntahan ni Vina  ang kanilang mga branch para magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang negosyo sa loob ng 20 taon.
At sa mga gustong mag-franchise, tumawag lamang sa 927-7532 o 0917-3124210 o kaya’y mag-email sa  [email protected].
At dahil gusto pang magka-anak ni Vina, pinaghandaan na niya ito sa pamamagitan ng pagpapa-freeze ng kanyang eggs.
Aniya, for future use ang ginawa niya. Ito ‘yung tinatawag na “mature oocyte cryopreservation” na kinokolekta ang egg cells ng babae mula sa kanyang ovaries, pagkatapos ay ipi-freeze ng unfertilized at ise-save para sa in vitro fertilization.
Aminado si Vina na medyo may kamahalan ang ginawa niyang ito pero, ”Investment na maituturing ito kasi mahal siya.”
Pagbibida pa ng isa sa bida ng Araw Gabi, ”Suwerte nga ako, I was able to save seven, and healthy siya. Pero ‘yung pangalawang try wala, hindi siya healthy.”
Hindi pa alam ni Vina ang eksaktong proseso nito, ”Hindi ko pa masyadong inaaral, sa akin lang, I have to save. Ako, puwede pa naman ako (mabuntis), it’s just that, maybe in the future, basta at least mayroon akong na-save. Sa akin, gusto ko lang talaga may healthy eggs.”
Nang tanungin naman namin kung may mga nagpaparamdam na para manligaw, sagot ni Vina, ”May mga ipinade-date ang mga kaibigan ko pero recently wala talgang oras. Paano naman ako magde-date eh puyat- puyat.”
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …