FDCP at Intramuros admin, nagsanib para sa #WeAreIntramuros Film Challenge
Maricris Valdez Nicasio
September 7, 2018
Showbiz
KATUWA ang mga ginagawang aktibidades ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ng chairman nitong si Liza Diño-Seguerra. Ang pinakabago ay ang #WeAreIntramuros Film Challenge, isang 24-hour filmmaking challenge na naka-focus sa cultural awareness ng Filipino values.
Ayon kay Diño nang makausap namin sa paglulunsad ng proyektong ito sa Cinematheque Centre Manila, ”It’s a film festival na hosted and organized by Intramuros administration to promote Intramuros as a film industry nation and para maengganyo rin ang mga film makers natin na makita ang Intramuros as a location sight for different kind of films.
“May partnership kasi kami ngayon with Intramuros administration to promote Intramuros internationally sa mga film markets. Dahil may mga incentive silang ibinibigay sa lahat ng mga facilities, permits, licenses.”
Dinaluhan din ang nasabing paglulunsad ng proyekto ni Intramuros Administrator Atty. Guiller Asido.
“What the better way to promote to really have a filmmaking challenge. Isa sa challenge namin is gagawa sila for 24 hours, naka-engage ‘yung mga students and aspiring filmmakers, gagawa sila ng iba’t ibang genre films. Paano ka gagawa ng horror films sa Intramuros? Anong lugar doon na parang mukhang horror? Anong parts naman ang rom-com.
“Genre, meaning ito kasi ang palatable sa international market eh. ‘Pag sinabi mong genre familiar sa kanila ang comedy, drama, action. So paano ka gagawa ng action film. So iyon ang part ng challenge.
“Short film ito na para siyang amazing race kasi may mga clues sila mabibigyan sila ng iba’t ibang tools kapag nasagot nila ‘yung clue. Mabibigyan sila ng camera at kung ano-ano pang gamit sa paggawa ng pelikula. Para matulungan sa pag-shoot nila.”
Idinagdag pa ni Diño na, ”It’s a new device to engage the filmmakers. Ang output naman ito ay hindi tayo mag-e-expect ng sobrang professional and everything, it’s really to engage ‘yung mga filmmakers natin to push para makita nila ang ganda ng Intramuros.”
First time ginawa ang #WeAreIntramuros Film Challenge na para makasali ay kailangang Filipino citizen o Philippine passport holder, estudyante ng anumang educational institution sa Metro Manila. Ang production crew ay kinakailangang binubuo ng apat na miyembro at ang deadline ng submission ay sa Setyembre 20, 2018.
Ang mga finalist ay mabibigyan ng P20,000 kapag naitanghal bilang Best Film kasama ang trophy at certificate; Jury’s Choice Award na may P15,000 cash, trophy, at certificate; People’s Choice Award na may P10,000 cash, trophy at certificate; at consolation prize na P5,000 para saw along production teams, at Special Award.