Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Don Cuaresma, ‘hinamon’ ni Boss Vic

SA ginanap na Abay Babes mediacon kahapon sa Le Reve Events Place ay literal na may kanya-kanyang ganda ang mga bidang sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Kylie Versoza, Roxanne Barcelo, at Nathalie Hart at hindi naman sila nagpapatalbugan dahil alam nila sa isa’t isa kung ano ang kakulangan sa kanila.
“Kanya-kanya kaming character kasi kung magpapatalbugan kaming lahat ang pangit ng pelikula kasi we had to maintain that (friendship). Like si Meg, she’s standout talaga, she’s tomboy (role). Wala kaming labanan talaga. Lumaban lang ako sa ngipin. Ako na sa ngipin, kayo na sa iba charot!”nakangiting sabi ni Roxanne.
Ang mga karakter ng bawat isa. Si Kylie ay, “ako po si Perla dating guard pero noong tumanda, naging madre na.  Ako ‘yung maalaga maasikaso.
“Ako naman, commercial model ng cars shows and everything so nakakaloka ‘yung role ko ambisyosa, kikay. I have to be more or very exags sa things kasi that’s my role, kailangan kong ako ‘yung dapat standout. Kailangan hindi ako chaka ganoon!” say ni Nathalie.
Kuwento naman ni Meg, ”ako naman dito si Jade, videographer nila at bestfriend ko si Goldie (Roxanne) at isa rin akong lesbian here. Kakaiba ang role ko kasi ako ‘yung lalaki sa kanila.”
Say naman ni Cristine, ”ako naman si Ruby, doctor ako rito, hopeless romantic and at the end of the movie may twist dito, mayroon akong ka-loveteam na hindi ninyo ini-expect dahil first time ko sa buong career ko.”
Kaya naman iisa ang tanong ng mga kasamahan ng aktres, ”tao ba ‘to?”
“Hulaan ninyo kung sino ang love interest ko rito kasi cute siya, ‘di ba besh, abangan n’yo kung sino ‘yung ka-loveteam ko sa ending ng movie, bongga ‘yun,” sabi pa ni AA (tawag kay Cristine).
At si Roxanne, ”ako po si Goldie, sa isip niya, siya ‘yung pinakamaganda, o walang lalaban. For her siya ‘yung best in question and answer portion, best in personality. Sa inyo na ‘yung ganda. After high school nagpunta na siya sa states tapos doon na siya nag-online dating. Nag-tinder and bumble na siya.”
Hirit naman ni direk Don Cuaresma, ”ang ibig sabihin ni Roxanne, ‘daig ng malandi ang maganda.’
Dagdag pa ni Roxanne, ”nakakaloka ang character ni Goldie pero sa totoo lang, marami rin siyang insecurities pero walang dahilan para ma-insecure siya.”
At dahil magaganda ang limang aktres ay natanong si direk Don kung ano ang challenge na idirehe silang lahat na halos hindi nagkakalayo ang hitsura, pawang magaganda, sexy, at talented.
“The challenge kasi sabi ni boss Vic gumawa ng comedy film, eh, ang alam kong comedy film maraming komedyante. Eh, ang nakakapag-comedy palang actually, eh, si Cristine. Lahat sila parang mga drama ang ginagawa nila.
“Tapos sabi ko, nagpa-workshop ako ng comedy acting, they have a session with John Lapus. Okay naman sila mga komedyante naman pala ‘tong lima. ‘Yung challenge, eh, lumabas na maganda naging komedyante.
“Initially noong nagsisimula sila may mga vain sila, ganoon naman ang mga babae ‘di ba? Eventually naging okay kami noong one week kami sa Bicol,” pahayag ni direk Don.
Tawang-tawa naman ang lahat sa trailer ng Abay Babes at tiniyak naman ng cast na matatawa talaga sa buong pelikula na mapapanood na sa Setyembre 19 mula sa Viva Films na idinirehe ni Cuaresma.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …