Nanganganib raw lately ang isang radio program na matagal nang namamayagpag sa ere at sinusubaybayan nang nakararami.
Nang magsanib-puwersa kasi ang anchors sa katapat nilang programa, na-pressure ang anchors na magmukhang mas engaging sa screen.
Planong iligwak na raw ang isang anchor ng show, ang tanong, paano naman ang nabuong tandem ng dalawa?
Pero weather-weather nga lang ‘yan. Darating ang time para palitan ka.
To quote an English adage, the old must give way to the new.
Anyway, nai-insecure raw ang kabilang kampo kapag humahataw na ng blind items ang kanilang kalabang programa.
Mas masarap kasing namnamin ang blind items kaya delikado talagang matalbugan ang orig na radio program.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.