Wednesday , November 20 2024

Pinoys sa Libya pinaghahanda na sa paglikas

PINAGHAHANDA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino Community sa Libya para sa posibleng paglikas dulot nang lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, hinimok ang mga Filipino ng voluntary repatriation makaraan magdeklara ng alert level 3 ang Libya dahil sa sunod-sunod na karahasan, at banta sa kaligtasan ng tinatayang 3,500 Filipino na nanatili sa nasabing bansa.
Sa ilalim ng alert level 3, hinihikayat ang lahat ng mga Filipino sa Libya na maghanda para sa paglikas at lahat ng mga may valid employment contract na kasalukuyang nasa bakasyon sa Filipinas ay hindi pahihintulutan bumalik.
Ang DFA ay naglalagay ng standby rapid response team upang tulungan ang Philippine Embassy sa Tripoli sa paglikas ng 1,800 Filipino sa kabisera dahil sa mahigit isang linggo nang nagpapatuloy na labanan roon.
Matatandaan noong Lunes, nagbigay ng abiso ang Embahada ng Filipinas sa Filipino Community na manatili sa kanilang tirahan at gawin ang ibayong pag-iingat bunsod nang tumataas na bilang ng mga krimen sa nasabing bansa.
Maaaring tumawag sa Office of Migrant Workers Affairs at (+632) 834-4996 at [email protected] sa oras na may pasok, at DFA Action Center +632 834-3333 o  834-4997 makaraan ang office hours.

About Hataw News Team

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *