Tuesday , November 5 2024
090518 Rocky Gutierrez Hokkaido Tracks Resort
090518 Rocky Gutierrez Hokkaido Tracks Resort

Rocky Gutierrez, sales distributor ng Hokkaido Tracks Resort

MAY bagong pinagkakaa­bala­han ngayon si Rocky Gutierrez, anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Isa kasi siya sa international distributors ng Hokkaido Tracks Resort Pro­perties na matatagpuan sa Japan.

Si Rocky ay napanood noon sa mga proyek­tong Takbo Bilis TakboCodename: Ase­ro, Patient X, at Makapling Kang Muli.

Ikinuwento niya ang ginagawa sa Hokkaido Tracks Resort Properties. “I help in marketing, actually, puwede rin magbenta or anything we could help the company… kasi it’s a new company. So, tinutu­lungan namin silang makilala.

“Like me, I didn’t know anything about Hokkaido noong umpisa, I mean, once you learned more about the place, magkakaroon ka ng interest,” panimula ni Rocky.

Patuloy niya, “Nagtayo ng kompanya sa Filipinas ang Hokkaido dahil alam ng owner nito na ang mga Filipino ay ma­hilig mag-travel at isa ang Japan sa paboritong puntahan. Kasi nakikita ng owner na may poten­siyal ang Philippine market to visit Hokkaido. It’s a new vacation spot. It’s the closest place sa Philip­pines where you could see actual snow. Tala­gang kung gusto ninyo ng snow, good food, siyempre Japanese, e. So it’s a potential destination, vacation for us, Filipinos.”

Balak niya bang dalhin ang family niya sa Hokkaido? “Yeah! ‘Yung family ko, sina Richard, ‘yung dad ko. Richard loves adventures, e, especially Sarah Lahbati, ‘yung asawa niya, they love snow. So, noong nalaman nila na Japan is the next place where there’s snow, excited na sila to visit the place,” saad ni Rocky.

Ang Hokkaido Tracks ay na-establish noong 2003 ng tatlong passionate skiers na kinilala na ang Niseko ang isa sa world’s great undiscovered ski resorts. Marami na ang nangyari mula noon, mula sa pagiging first international property developer, formal na pagkilala mula sa Australian at Japanese govern­ment, mga challenging events noong 2008 at 2011, at ang pagi­ging sole owner of the business.

Ito ay isang Japanese com­pany owned by an Australian based in Hokkaido, Japan. Ang presidente nito ay si Simon Robinson. Ibinahagi niya ang pagsisimula nila rito.

Saad ni Mr. Robinson, “The timing was perfect, the region was growing because of the quality of the skiing and we were there at the right time. We were lucky enough to be in the first wave of people that discovered it. And then it started getting discovered, the area was start­ing to get discovered at Hong Kong, Singapore, Malaysia, all of these regions but not the Philippines.

“Ive been to the Philippines twice, we want to tap the Philippine market. Actually, I’m always looking for the client, I’m looking for real estate client where I can sell them my houses, I’m looking for a client who would like to build some­thing, I’m looking for a developer client…”

Ayon naman kay Ms. Apple Guzman, head ng Sales and Marketing referral agent,  “We have built 200 properties in Niseko-Hirafu region, from concept to completion, we insure your project will exceed expec­tations. Our services: real estate sales, property manage­ment, asset management, project management, rental manage­ment, custom homes. The pre­sident of the company recognize us as the only referral agent here in Manila, Philippines.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Chloe Sy ng Belladonnas, type ‘makalampungan’ si Piolo Pascual
Chloe Sy ng Belladonnas, type ‘makalampungan’ si Piolo Pascual

About Nonie Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *