NABULABOG ang foodcourt ng isang mall nang biglang bumulaga si Jose Mari Chan at umawit ng Christmas In Our Heart. Marami ang na-surprise dahil inakala nila na tape at hindi live ang kanta kaya nanlaki ang mga mata ng mga taong naroon nang makita ng live na kumakanta si Jose Mari.
Sa tuwing sasapit na ang Ber Months, pihadong ang awitin ni Jose Mari ang una nating napakikinggan sa mga radio (AM at FM), maging sa mga mall at establishment.
Pinoy tradition na ang pagpapatugtog ng mga kanta ni Jose Mari sa pagbubukas ng napakahabang selebrasyon ng Pasko—from September to December na minsan ay umaabot pa hangang January 6 (3 Kings).
MATABIL
ni John Fontanilla