Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Do’s & Don’ts kapag nasa buffet resto (Please be civil)

NAKITA na natin ito sa isip pero hindi naman tayo natuwa na nagkatotoo ang ganitong senaryo — ang maospital ang isang buong pamilya dahil sa Cholera matapos makakain sa isang buffet restaurant sa San Juan City na nagkataong kilala at sikat ang chef.

Ang Cholera ay sanhi ng kontaminadong pagkain o tubig na may bacterium na ang tawag ay Vibrio cholerae.

Sa totoo lang, maraming kumakain sa mga buffet restaurant ang hindi nag-o-observe ng tamang asal kapag kumukuha ng pagkain sa buffet table.

Isa sa mga kapansin-pansin, ‘yun bang nakaharap na sa buffet table ‘e daldalan nang daldalan pa. Hindi tuloy nila napapansin na tumatalsik ang mga laway nila sa pagkain.

Ang isa pa, marumi ang kamay, ihahawak sa serving spoon or fork, kaya ang nangyayari lumalagkit at dumudumi ang handle ng serving utensils.

Marami rin ang walang pakialam kapag naglalapag ng serving utensils, hindi nila napa­pansin na lumubog na sa loob ng serving pan or serving plate, kaya kapag kinuha ng kasunod nila, marumi na at nakalubog na sa pagkain.

‘Yung iba naman, inaamoy-amoy pa kahit nasa serving pan or serving plate pa. Bakit hindi kumuha at ilagay ang pagkain sa kanilang plato saka doon nila amuyin.

‘Yung iba, kamot nang kamot pa sa ulo saka ihahawak ang kamay sa serving utensils. Sa totoo lang, mayroon din mga kakamot-kamot sa kanilang puwitan.

Ang pinakamatindi, mayroon pa tayong nakikitang uubo-ubo at dadahak-dahak (excuse me po) nang hindi man lang nagtatakip ng bibig.

Palagay naman natin e hindi lang tayo ang nakapu­puna nito, marami pang iba. Pero dahil praktikal nga ang pagdaraos ng okasyon sa mga buffet restaurant kaya maraming pamilya ang nagpupunta rito.

Payo lang natin para maiwasan ninyong makakain ng mga ‘kontaminadong’ pagkain dahil sa talsik ng laway at kung ano-ano pa, dumating nang maaga sa buffet restaurant para siguradong kayo ang una sa lahat.

Ikalawa, iwasan ang mga hindi tamang asal sa pagkuha ng pagkain sa buffet table.

Ikatlo, be considerate to the next person after you, ilapag nang maayos ang serving utensils.

Ika-apat, huwag matakawan ang inyong mga mata. Huwag kumuha nang labis at hindi kayang ubusin. Dapat ‘yung sapat lang.

Ika-lima, kung hindi maiiwasang umubo at dumahak, magtakip naman ng bibig para hindi tumalsik-talsik ang laway at mikrobyo.

Ika-anim, kung hindi na kanais-nais ang hangin na lumalabas sa iyo, panahon na para magtungo sa comfort room.

At higit sa lahat, be careful na huwag kayong mabiktima ng mga kontaminadong pagkain. Huwag kainin kung masama na ang lasa at amoy. Tawagin agad ang head waiter o ang supervisor at ipagbigay alam agad sa kanila.

Remember: Kumakain tayo para maging masaya at malusog, hindi para magkasakit at maging malungkot.

HINAING
NG TAGA-ISULAN
SULTAN KUDARAT

Dear Sir Jerry:

Nanawagan kaming mga taga-Isulan sa ating pamahalaan na sana mas paigtingin pa nila ang pagbabantay sa seguridad dito sa aming lugar. Kung kinakailangan na pahabain pa ang martial law at kung  kailangan na sundalo ang magmatyag dito sa amin ayos lang. Mas kam­pante kami na alam naming bantay sarado ng mga sundalo ang lugar namin laban sa iba’t ibang grupo ng mga terorista. Marami po kaming mga sibilyan na nangangamba sa kaligtasan namin at ng aming pamilya. Sana po makarating kay pangulong Duterte ang aming panawagan.

Salamat po,
ELEY EYDI DEL ROSARIO
Isulan, Sultan Kudarat

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *