Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Walang silbi ang SRP ng DTI

KUNG tutuusin, walang silbi ang ipinagma­mala­king suggested retail price o ‘yung tinata­wag na SRP ng Department of Trade and Industry (DTI).  Dapat ibinabasura na ito ng DTI dahil hindi naman ito sinusunod ng mga tindero at tindera sa mga palengke.

Hindi maaaring ipagpilitan ng DTI na kaila­ngang sundin ng mga negosyante ang nakasaad sa SRP dahil kung tutuusin isa lamang itong mungkahi kung magkano ang dapat na halaga ng produktong kanilang itinitinda.

Kasi nga, ang presyo ng produktong ipinag­bibili ng mga tindero at tindera sa mga palengke ay nakabatay sa halaga ng produktong ibina­bagsak ng “traders” sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Isang malaking kalokohan ang ipinag­ma­malaking SRP ng DTI! Nagsisilbing panakot lamang ito sa mga tindero at tindera lalo kung du­marating ang mga opisyal ng ahensiya na ka­sa­ma ang mga miyembro ng media sa mga merkado.

Aber nga, bakit hindi sila magpunta sa malalaking groceries tulad ng SM, Robinsons at Puregold?

Hinahamon natin itong si Usec. Ruth Castelo ng DTI, bakit hindi ninyo pasyalan ang mga bigtime na groceries sa Kamaynilaan at sitahin ang kanilang mga paninda? Bakit, takot ba kayong banggain ang pamilyang Sy, Gokongwei at Co?

Ang problem kasi sa DTI, magaling lang kapag media mileage ang pinag-uusapan at hindi naman talaga nila natutugunan ang problema sa monitoring ng presyo ng mga bilihin. Sige nga, meron na bang naipakulong ang DTI na mga tiwaling negosyante na malaki kung magpatubo ng kanilang produkto? Wala!!!

Panawagan kay Erap
LUPA SA BINONDO
IBIGAY SA BARANGAY

MAY panawagan ang mga residente at ilang opisyal ng isang barangay sa Binondo, Maynila kay Mayor Joseph “Erap” Estrada na kung maaari lang ay pakialaman na ang umano’y kuwestiyonableng pag-aaring lupa ng isang Amante Lorena na ipinagbili naman daw sa isang Mrs. Yang.

Ang lupang tinutukoy ay nasa Lot 15, block 2013, 354 Juan Luna Street, Binondo, at may sukat na 196.33 square meters, na ayon sa ilang opisyal ng barangay ay malaki ang pagkakautang sa gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng tax nang mahigit 15 taon.

At ngayon ay pilit na humihingi ng certi­fication kay barangay 289 Chairman Nelson Ty itong si Mrs. Yang  dahil binayaran na raw niya umano ang pagkakautang at sa katunayan ay mayron siyang tax declaration.  Katuwiran naman ng barangay official paano nga naman daw niya bibigyan si Mrs. Yang ng certification kung walang titulong pinanghahawakan ang ginang kahit sabihin pa nitong may tax declaration pa siya.

Pero ipinagyayabang umano ni Mrs.Yang na kaya naman daw niyang patitulohan sa Maynila ang nasabing lupa.

Dahil dito, nakikiusap si Chairman Ty kay Erap na pakialaman ang gusot na ito lalo pa’t may balitang may “ini-o-offer” umano sa DENR District officer ang ilang tao para lang tuluyang maibigay sa sinasabing si Mrs. Yang ang lupa.  Hirit ni Chairman Ty kay Erap, ibigay na lang sa bara­ngay ang lupa para tayuan ng barangay hall na pakikinabangan ng lahat ng residente ng nasabing lugar.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *