Friday , November 15 2024

Ang buwan ng Agosto

NGAYON ang huling araw ng buwan ng Agosto, ang buwan ni San Bartolome Apostol, isa sa mga disipulo ng panginoong Hesus. Ang kanyang estatuwa sa simbahan ng Malabon ay kakaiba sapagkat makikita ito na may hawak na gulok at nakagayak ng pulang damit. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga katipunero ay laging isina­salarawan na nakapula at may hawak na itak.

Makabuluhan ang Agosto para sa atin sapag­kat maraming pangyayari ang naganap sa bu­wang ito na bumago sa takbo ng ating kasay­sa­yan. Ang Agosto ay kinikilalang buwan na nag­luwal sa mga pagkilos na ang layunin ay palayain ang bayan mula sa mga mananakop at mang-aapi.

Nag-umpisa ang himagsikang 1896 sa buwan ng Agosto matapos ang mga pahayag ng kalayaan ng mga Katipunero sa pangunguna ni Supremo at Unang Pangulo ng Republika na si Andres Bonifacio laban sa mga Kastila. Ang mga pahayag na ito, ayon sa mga saksi, ay naganap sa loob ng magkakasunod na tatlong araw mula noong 23 Agosto sa mga barrio ng Pugad Lawin, Bahay Toro, Kangkong, Balintawak at Banlat na pawang sakop ngayon ng Lungsod Quezon.

Sa pamamagitan ng mga sigaw na ito ay nag-umpisa ang pagkilos ng taong bayan para makamit ang ating kalayaan mula sa mga Kastila. Nakalulungkot na nauwi lamang ang mga pahayag at pagkilos na ito sa pagtatayo ni Emilio Aguinaldo ng “landlord dominated” na Malolos Republic (1899-1901).

Noong 21 Agosto 1983, pinaslang ang dating senador na si Benigno Simeon Aquino, Jr., sa tar­mac ng noon ay Manila International Airport, ngayon ay mas kilala sa tawag na Ninoy Aquino International Airport. Ang kanyang kamatayan ay nagsilbing mitsa sa pagsiklab ng galit ng taong bayan laban sa mapaniil na martial law ni Ferdi­nand Marcos, Sr.

Ang mga kilusang protesta na ito ay nauwi sa pagpapatalsik sa mga Marcos noong 1986 at pagbabalik naman sa poder ng mga mapagsa­man­talang oligarkiya at panginoong maylupa na tanging nakikinabang ngayon sa ating pamban­sang yaman.

Buwan ng Agosto rin ang kinikilalang buwan ng wika bilang pagpupugay kay dating Pangulong Manuel Luis Quezon na ipinanganak noong 19 Agosto 1878. Ang pagdedeklara ng buwan ng Agosto bilang buwan ng wika ay isang paraan para malinang ang wika bilang instrumento ng pagkakaisa ng sambayanang Filipino.

Gayonman, sa kabila ng pagiging makabu­luhan ng buwan na ito ay tila kapos sa pagbibigay halaga rito ang pambansang pamahalaan. Halim­bawa, mapapansin na mga lokal na pamahalaan la­mang ang gumugunita sa mga pangyayari na nag­bigay daan sa pagkakatayo ng Unang Re­publika noong 1896.

Dahil sa kawalan ng interes ng pambansang pamahalaan na ipagdiwang nang todo at taos ang buwan ng Agosto ay parang nalilimot na ng kasalukuyang henerasyon ang mga sakripisyo ng mga ninuno natin para sa ating kalayaan.

***

Pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagbabagang panahon. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines. Salamat po.

Pasyalan n’yo rin ang pahayagang Hataw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *