Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PLDT subscribers hostage ni MVP

MALAKING isyu ang defiance ni business tycoon Manuel V. Pangilinan sa utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular ang libo-libong manggagawa ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company.

Tila walang takot si MVP na suwayin ang utos ni Secretary Bebot Bello. Dahil ba direkta ang konek niya kay Tatay Digong?

Kung ‘yung PLDT subscribers ay hirap na hirap makakonek sa telepono, sa internet at sa iba pang serbisyo ng telekomunikasyon, e si MVP, mukhang one-call away lang sa palasyo at kay Presidente Duterte.

Ayaw sana nating maniwala sa sapantahang ito pero sa nakikita nating kawalan ng aksiyon ng gobyerno sa pagiging stubborn ni MVP e mukhang ganoon na nga ang nangyayari.

Dahil ayaw gawing regular ni MVP ang mga contractual workers nila na karamihan ay technical staff, subscribers ang naho-hostage sa situwasyon.

Pero ang higit na nakaiinis dito, palpak na nga ang serbisyo dahil laging sira ang linya at ang intrernet nito, pero pagdating ng billing, buong-buo ang singil.

Wattafak!

Kung kayang magpalutang ng ideyang puwedeng lawakan ang sakop ng batas militar, bakit hindi ipairal sa PLDT?!

Ang telekomunikasyon ay isang vital services, kaya kung nakasasagabal na ang kawalan ng aksiyon ni MVP sa maraming tahanan at iba’t ibang industriya, bakit hindi umaksiyon ang gobyerno?!

Kung mananatiling bingi at matigas ang ulo ni MVP na gawing regular ang kanyang mga mang­ga­gawa para umayos ang serbisyo sa telekomunikasyon, bakit hindi i-takeover ng gobyerno?!

Diyan sana ipakita ng administrasyong Duterte, sa pamamagitan ng kanyang mga pangunahing ‘tenyente’ ang kanilang kakayahan at tapang na i-takeover ang delingkuwenteng management ng kompanya gaya ng PLDT.

Kawawa ang subscribers, hostage na hostage ni MVP dahil sa kanyang paglabag sa batas paggawa.

Wala pa bang gagawin ang DOLE at Department of Information and Communications Technology (DICT) para suhetohin si MVP?!

Nasaan ang terminal managers?!
MIAA GM ED MONREAL
MATAPANG NA HUMARAP
SA SENATE HEARING

WALA tayong masasabi sa pagiging general manager ng Manila Internationa Airport Autho­rity (MIAA) ni GM Ed Monreal.

Lalo itong napatunayan nitong nakaraang mabalaho ang Xiamen Airline sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi umalis si GM Monreal hangga’t hindi naiaahon ang nasabing eroplano.

Kasama niya rito ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ganoon din sa pagharap sa Senate hearing.

Pero ang ipinagtataka natin, nasaan ang terminal managers?!

Ano ang naitulong nila sa insidenteng kinaharap ng NAIA?!

Supposedly, sila ang humaharap at nagko-coordinate sa iba’t ibang airlines at kung paano tutulungan ang mga pasahero sa kanilang mga panga­ngailangan.

Ang siste, basanta, este basta na lang nawala ang terminal managers…

At hanggang sa pagharap sa Senado, si GM Monreal pa rin ang kanilang ipinagisa?!

Pero hindi sila nagtagumpay.

Anyway, mukhang wake-up call na rin ito para kay GM Monreal.

Mukhang kailangan na niyang ‘sipain’ ang mga overstaying na terminal managers na kung hindi nagpapalaki ng ‘yagbols’ ay ‘nagpa­pala­pad’ ng balakang.

Mantakin ninyo, pagkatapos ng nasabing insidente, nakukuha pang ngumiti-ngiti at mag-display-display sa airport?!

GM Monreal, panahon na para palitan ng mga bata, innovative at hindi pakaang-kaang na managers ang mga terminal manager sa NAIA.

Subukan na po ninyong umpisahan…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *