IYONG mga sikat na artista, siyang magkakakampi. Mapapansin ninyo iyan sa kanilang palitan ng sagot sa social media. Iyong mga hindi sikat at mga palaos na, sila naman ang magkakakampi at mukhang hindi matanggap na tapos na nga ang kanilang panahon at iba na ang sikat sa kasalukuyan.
Masakit para sa isang artista ang masabihan ng laos. Napakasakit tanggapin iyong alam mong hindi na ganoon kalakas ang suporta sa iyo ng iyong fans. Lalo na kung ang fans mo ay nag-retire na rin o nakalipat na sa mga mas bago at mas batang artista.
HATAWAN
ni Ed de Leon