MANTAKIN n’yo naman, kung sino ang namumuno sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) e nadale pa ng fake news?!
Hindi ba’t kamakailan ay kumalat ang balitang papalitan na raw si PCOO chief, Secretary Martin Andanar ni broadcaster Jay Sonza.
Ang pagpapatalsik umano kay Andanar ay kaugnay ng kontrobersiya sa PTV4 na sinabing nagamit ng Tulfo siblings para pagkakitaan ng P60 milyones mula sa pondo ng Department of Tourism (DOT).
Mayroon ngang malakas na bulungan na nakinabang umano sa P60 milyones si Andanar at ang ilang kasapakat sa PCOO.
Pero itinanggi ito ni Secretray Andanar.
Inamin ng kalihim na sumulat siya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO), at Department of Tourism (DOT) para maglagay ng ads sa PTV4.
Pero hindi umano ibig sabihin no’n na may ‘kamay’ siya sa paglalagay ng ads sa programa ng Tulfo brothers.
Maliban sa nasabing mga sulat, wala nga namang klarong ebidensiya na nag-uugnay sa kanya sa iregularidad na pinagbibidahan ng Tulfo siblings.
Kaya walang rason o malaking dahilan para patalsikin sa PCOO si Secretary Andanar.
Sorry na lang sa mga nagpakalat ng nasabing ‘fake news’ na nagamit pa ang pangalan ni Mayor Inday Sara.
Better luck next time!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap