Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bigas, bigas nasaan na ang bigas?!

SIGNOS na ba para sa mga Filipino na ang isang bansang halos taguriang rice granary ay nagkakaproblema sa supply ng bigas sa kasalukuyan?!

Isang nakatatakot na pangitain na baka isang umaga ay wala nang mabiling bigas ang masang Filipino — kaya kahit ang binubukbok na bigas ay pinag-aagawan.

Kung umaangal ngayon sa walang tigil na pagtaas na presyo ng bigas, baka sa susunod ay ‘isubasta’ na ito at ang tanging makabibili ay ‘yung highest bidder.

Mga pangitain lang naman ‘yan — nakatatakot na pangitain — na kahit ang inyong lingkod ay kinikilabutan kapag sumasagi sa ating isipan.

Pero ano ba talaga ang nangyari at nahaharap ngayon sa ganitong situwasyon ang bansa sa isyu ng bigas?

Dati ay mayroong NFA Council na binubuo ng mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya at pinag-uusapan doon kung paano matitiyak na hindi maaagrabyado sa bilihan ng bigas ang mga local producer.

Mismong si CabSec Jun Evasco at NFA administrator Jason Aquino ay nagkagirian dahil pinipilit noon ni Aquino na mag-angkat ng bigas ang NFA.

Pero para kay CabSec Jun, dapat i-prioritize ng NFA ang pagbili ng bigas mula sa ani ng ating mga magsasaka kaysa mag-import agad.

At kung papayagan umano ang importasyon, hindi ang gobyerno ang dapat mag-import kundi private sector.

Nagkaroon ng matinding banggaan sa isyung ito na ang naging resulta ay tinanggal si Evasco sa NFA Council at pinayagan ang pag-aangkat  ng bigas. Ipinamahala na ito kay NFA admin Jason.

Kaya nagugulat tayo kung bakit matindi ang isyu ngayon sa bigas.

Ano ba ang nangyari sa rice importation?

Ang biglaang pagtaas ng presyo ng bigas sa Zamboanga dahil sa kakapusan umano ng supply ay isinisi sa ‘pagsugpo’ umano sa smuggling.

Ibig sabihin kung may smuggling may supply ng bigas?!

Wattafak?!

Kaya ang ginawa naman nitong si Agriculture Secretary Manny Piñol ay nag-imbuwelta ng  rice supply ng  Tawi-Tawi sa Zamboanga.

Pero sa kabila nito, rice importation pa rin ang sagot sa nagbabantang krisis ng bigas.

Kahit mayroong mga panukala na suportahan ang mga lokal na magsasaka para yumabong ang kanilang ani na makatutulong para huwag umangkat nang malaking volume ng bigas.

Pero sa mataas na presyo binhi at pataba ay lugi na ang mga magsasaka, ‘e bakit pa nga na­man sila magkakandakuba sa pagtatanim ng palay?!

‘Yan, nagkahetot-hetot tuloy ang industriya ng bigas…

Mukhang kinakapos na ng mahuhusay na ‘adviser’ o ‘consultants’ ang ahensiya na dapat magtiyak na hindi magugutom ang sambayanang Filipino.

Hindi kaya kailangan na rin ng ‘brain im­portation’ para maging brainy naman ang economic at food managers natin sa kasalu­kuyan?!

Hay kung puwede lang sana…

Pero pakiusap lang, huwag namang hayaang ang maliliit na mamamayan ang mahirapan para ma-satisfy ang ‘ego’ at ‘bulsa’ ng mga nakikinabang sa industriya ng bigas.

RETIRADONG PULIS
MAY PA-SUGAL LUPA!?

KA JERRY, tila siga-siga itong si GUTYERES bukod sa retiradong pulis ay naglagay pa ng sugal lupa sa tapat ng simbahan ng Tondo; sa gilid ng Manila Cathedral: at sa Ylaya St. Ang siste wala itong kapital at ang perang tatalunin sa kanila ay galing rin sa mga mananaya. Take note, may mga alalay pang mga pulis. Mukhang takot ang hepe ng MPD PS-2. Ano kaya ang masasasabi ni Gen. Anduyan at NCRPO chief Guillermo Eleazar? Aba, aba mga sir, mukhang wala kayong binatbat sa retiradong pulis Maynila!

+639125277 – – – –

POLICE RETIREES
NAKIKIUSAP
NA IBIGAY NA
ANG PENSION
DIFFERENTIAL

MR. YAP pakibulabog naman kay Pres. Digong na ibigay na ang pension differential ng mga police retirees na matagal din hong pinakinabangan ng pamahalaan natin ang serbisyo’t buhay. Paki naman ho sa ating presidente kahit ‘di n’ya kami isinama sa increase at inuna ang mga uhugin na wala pang pinagserbisyohan. Is this what we deserve Mr. Yap?

+63950621 – – – –


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *