Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Imee: hero ko ang tatay ko!

NGAYONG araw, ipinagdiriwang ang National Heroes Day o ang Pambansang Araw ng mga Baya­ni sa buong bansa.  Sari-saring anyo ng pag­gunita ang ginagawa ng ating mga kaba­bayan para bigyang pugay ang mga namayapang bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng Filipinas.

Sa tuwing sumasapit ang huling Lunes ng buwan ng Agosto, batay sa Republic Act 3827 na ipinasa noong 28 Oktubre 1931, ang araw na ito ay nagbibigay daan para bigyang pag­papahalaga ang lahat ng mga bayaning Filipino.

Ngayong araw, sinasariwa natin ang kabayanihan ng mga yumaong lumaban sa mga mananakop at tuluyang inialay ang kanilang buhay para sa inang bayan.  Hindi matatawag na ganap na malayang bansa ang Filipinas kung hindi natin gugunitain ang kabayanihan ng mga nagsakripisyo para sa ating bayan.

Pero sino nga ba ang masasabing tunay na mga bayani? Si Andres Bonifacio ba, si Jose Rizal? Si Apolinario Mabini o si Gregorio del Pilar?  Si Emilio Aguinaldo?  Si Antonio Luna?  Si Macario Sakay?  Si Ninoy Aquino bayani ba? E paano naman si Ferdinand Marcos?

Kung tutuusin lahat sila ay mga bayani; maituturing na bayani.  Nasa kanya-kanyang pagtingin lamang kung sino ang bayani ng bawat isa sa atin. Huhusgahan ang bawat isa kung paano ginampanan ang kanilang kabayanihan para sa pagtatanggol sa inang bayan.

Pero mayroon ding tinatawag na personal hero sa bawat isa sa atin.  At tulad ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos, hindi natin siya masisisi kung ihanay niya sa kanyang mga tinitingalang bayani ang kanyang yumaong ama na si Ferdinand Marcos.

Kung paaano siya hinubog at pinalaki, at pinagtapos sa kayang pag-aaral ay isang kabayanihan ng kanyang tatay na hindi niya malilimutan. Sabi nga ni Imee, “ang buhay ko ngayon ay utang ko sa aking ama, at lubos ko siyang ipinagmamalaki dahil isang kabayanihan ang ginawa ng tatay ko – ang makita ko siyang mabuting ama ‘di lamang sa aming magkakapatid kundi sa ating bayan.”

Kaya nga wala na tayong magagawa kung para kay Imee ay sabihin niya na isang “national hero” ang kanyang tatay.

At sino nga naman ang babangga sa panini­walang ito ni Imee?  Hindi ba’t mayroon tayong mga personal hero sa ating mga buhay?  Hayaan natin siya kung ang tatay niya ang kanyang personal hero. Kung tutuusin marami naman tayo na ang bayani natin ay ating mga magulang, ang ating mga tatay? Ang tatay natin ang pumanday sa atin para maging matatag sa pakikibaka sa buhay? At siyempre hindi natin ito malilimutan at utang natin ito sa ating tatay habang tayo ay nabubuhay.

Kaya nga, sa pagdiriwang ng National Heroes Day, bukod sa pagbibigay pugay sa mga yumaong mga bayani ng bayan, hayaan din nating pasalamatan at gunitain ang kabayanihan ng mga amang nakibaka para sa kanilang mga pamilya.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *