NAGULAT na naman ang sambayanang Filipino sa pagbulaga sa social media ng magarbong kasal ng anak ng numero unong suspect sa 2009 Maguindanao massacre.
Sa Sofitel Hotel ang kuha sa video na nakitang nagsasayaw ang ikinasal na anak na babae at ang dating gobernador na si Zaldy Ampatuan.
Sa madaling salita nabigyan ng ‘furlough’ si Zaldy Ampatuan para sa kasal ng anak.
Hindi ganito ang naging kapalaran ni dating Senator Bong Revilla.
Nang magkasakit ang kanyang ama na dati rin senador, humiling si Bong na dalawin si Ramon Sr., pero ilang beses siyang nabigo. Sa huling subok lang yata siya nagtagumpay pero sandaling-sandali lang sila nagkitang mag-ama.
Ang asunto ni Ampatuan ay mastermind sa isang multiple murder, kay Revilla, Plunder.
Pero mas madaling nakakuha ng ‘furlough’ si Ampatuan kompara sa kaso ni Revilla.
Mukhang lumalambot na si Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Siyanga pala sa 58 biktima ng masaker, 32 rito ay mga mamamahayag.
Wala pa tayong naririnig sa ahensiya ng pamahalaan gaya ng PTFoMS na pinamumunuan ni Undersecretary Joel Egco sa pagpayag ng hukuman na bigyan ng furlough si Zaldy Ampatuan.
Tahimik pa sa Eternal Garden ang PTFoMS.
Napakatahimik…
Wala kaya silang kinalaman sa pansamantalang paglaya ng Ampatuan na ‘yan?!
Tayo naman ay nagtatanong lang.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31
o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang
isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap