Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCOO allergic na kay Mocha

SIYAM na opisyal daw ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang nakiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-dismiss si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa kontrobersiyal na video tungkol sa Charter change na ini-post sa social media.

Ang sulat para sa Pangulo ay may kopya rin sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Ayon sa siyam na opisyal, dapat tanggalin si Uson sa kanyang tanggapan dahil nilabag niya ang Section 4(b) ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713).

Ibig sabihin puro kahihiyan ang naibibigay ni ASec. Mocha sa Palasyo na supposedly ay promosyon ng Pangulo ang ginagawa.

Paano ba ‘yan ASec. Mocha?

Mukhang hindi na kayang ‘patawarin’ ng ibang PCOO official ang sandamakmak na salto ni Mocha.

Anyway, mawala man sa PCOO si ASec Mocha, kursunada naman yata siya ni Labor Secretary Bebot Bello.

Kursunadang maging undersecretary…

‘Yun naman pala, mayroon naman palang sasalo kay ASec Mocha, undersecretary pa?!

Yahoo, yahoo, yahoo!

PRIME SUSPECT
SA MAGUINDANO
MASSACRE PINADALO
SA BONGGANG
KASAL NG ANAK

NAGULAT na naman ang sambaya­nang Filipino sa pagbulaga sa social media ng magarbong kasal ng anak ng numero unong suspect sa 2009 Maguin­danao massacre.

Sa Sofitel Hotel ang kuha sa video na nakitang nagsasayaw ang ikinasal na anak na babae at ang dating gobernador na si Zaldy Ampatuan.

Sa madaling salita nabigyan ng ‘furlough’ si Zaldy Ampatuan para sa kasal ng anak.

Hindi ganito ang naging kapalaran ni dating Senator Bong Revilla.

Nang magkasakit ang kanyang ama na dati rin senador, humiling si Bong na dalawin si Ramon Sr., pero ilang beses siyang nabigo. Sa huling subok lang yata siya nagtagumpay pero sandaling-sandali lang sila nagkitang mag-ama.

Ang asunto ni Ampatuan ay master­mind sa isang multiple murder, kay Revilla, Plunder.

Pero mas madaling nakakuha ng ‘furlough’ si Ampatuan kompara sa kaso ni Revilla.

Mukhang lumalambot na si Judge Joce­lyn Solis-Reyes.

Siyanga pala sa 58 biktima ng masaker, 32 rito ay mga mamamahayag.

Wala pa tayong naririnig sa ahensiya ng pamahalaan gaya ng PTFoMS na pina­mumunuan ni Undersecretary Joel Egco sa pagpayag ng hukuman na bigyan ng furlough si Zaldy Ampatuan.

Tahimik pa sa Eternal Garden ang PTFoMS.

Napakatahimik…

Wala kaya silang kinalaman sa pansamantalang paglaya ng Ampatuan na ‘yan?!

Tayo naman ay nagtatanong lang.


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31
o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang
isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *