Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JANINE BERDIN
JANINE BERDIN

Janine ng TnT, pinatatag ng mga negatibong komento

 

KASAMA na ang kuwento ng buhay ng pananagumpay ng mga taong natutunghayan natin sa mga patimpalak at reality shows na ibinabahagi lagi ng longest drama anthology in Asia, ang MMK (Maalaala Mo Kaya) hosted by Ms. Charo Santos sa Kapamilya.

Sa Sabado, Agosto 25, ang istorya ng “Millennial Kontesera” na si Janine Berdin ang tampok sa sinaliksik at isinulat nina Mary Rose Colindres at Arah Jell Badayos at idinirehe ni Dado Lumibao.

Mismong si Janine ang gumanap sa kanyang life story kasama sina Yesha Camille, Joj Agoangan, Richard Quqn, Bea Basa, at Jenine Desiderio.

Ano-ano ang mga hugot ng tubong Cebu na si Janine na mula pa lang limang taong gulang eh, kinakitaan na ng pagkahilig talaga sa pagkanta?

At naging bahagi na ng buhay ang pagsali-sali sa mga kontes na sinuportahan ng mga magulang at inenrol pa siya sa mga singing workshop.

Maski umaarte na siya sa Cebu, hindi nawala ang hilig ni Janine sa kanyang first love.

Sa kabila ng mga negatibong komento sa kanya sa mga nasasalihang paligsahan, hindi nawalan ng loob si Janine kaakay ang kanyang ina na kakayanin niyang sagupain ang pagsali sa TNT (Tawag ng Tanghalan) sa Maynila.

Ang kantang Nosi Balasi ang awit ng buhay niya at ang patuloy na nagtulak sa kanya para hindi indahin ang mga panlilibak sa kanya.

Lakas ng loob. Panalangin. Ang maging fighter. Na nagbunga para siya na ang tanghaling Grand Champion sa ikalawang season ng TNT.

Tunghayan ang struggles na dinaanan ni Janine para marating ang pangarap na sa munting edad ay iningatan at inilagak na sa isang sulok ng kanyang puso.

HARD TALK!
Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …