Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erika Mae Salas
Erika Mae Salas

Erika Mae Salas, thankful sa pelikulang Spoken Words

 

NAGPAPASA­LAMAT ang newbie actress na si Erika Mae Salas na ma­pa­bilang siya sa casts ng peli­kulang Spoken Words mula sa RLTV Ente­rtainment Pro­ductions at Infinite Powertech at sa pamamahala nina Direk Ronald Abad at Direk John Ray Garcia.

Gaganapin ang premiere night ng Spoken Words sa SM North EDSA, Cinema 6 ngayong Saturday, August 25.

Ayon sa dalagita, malaking blessing sa kanya ang pagka­kasali sa pelikulang ito. “I am so blessed and honored po na makasama po sa Spoken Words. Since this is my first movie po, marami po akong natutuhan and sobra po akong nag-enjoy dito,” saad ng singer/actress.

Ang role niya sa pelikula ay si Aira, siya ang tumatayong bestfriend ng kapatid ng bida at may crush sa kanyang kuya. Inilarawan ni Erika Mae ang character niya sa pelikulang ito bilang isang kikay girl.

“This movie po, made-des­cribe ko po siya as ‘pang-pamilya.’ Since it’s a family-oriented po and ipinapakita po rito how millennials act nowadays. Marami po silang matututuhan dito and sigu­rado pong mae-enjoy nila ang movie,” nakangiting saad ng talented na recording artist ng Ivory Records.

Nabanggit din ng young actress ang aral na mapu­pulot sa kanilang pelikulang Spoken Words. “Ang aral na mapu­pulot sa movie ay love your family and your parents knows what’s best for you. Kaya teenagers need to be more open po sa kanilang mga magulang and huwag kini­kimkim lamang ang kanilang mga problema.”

Tampok din sa naturang pelikula sina Erwin Buena­ventura, Matt San Juan, Mich Rapadas, John Patrick Picar, Patrick Alba, Marco Nove­nario, Reinzl Mae Bolito, Rodel Girard Formaran, Renz Ga­brielle Clemente, at marami pang iba.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …