Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

FDA malupit sa tradisyonal na panggagamot at medisinang alternatibo

WALA bang alam na ibang paraan ang Food and Drug Administration (FDA) kundi ang manakot at mangdahas ng mga doktor na nakatutulong sa maraming pasyente sa pamamagitan ng alternatibong medisina?!

Isa ang kilalang si Dr. Farrah Agustin-Bunch na may klinika sa lalawigan ng Tarlac ang hindi nakaligtas sa ‘mala-berdugong’ pag-atake ng mga kinatawan ng awtoridad mula sa FDA kasama ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (DILG).

Nagulantang si Dr. Farrah at ang kanyang mga kalugar nang bigla silang ‘lusubin’ ng mga kinatawan ng nasabing mga ahensiya.

Pinagbantaan si Dr. Farrah ng mga kinatawan ng nasabing ahensiya na kung hindi isasara ang kanyang klinika ay babawian siya ng lisensiya bilang doktor.

Lumaban muna si Dr. Farrah. Ayaw niyang magsara ng klinika dahil sa mga pasyenteng umaasa sa kanya at sa kanyang klinika.

Pero pinagbantaan siya ng mga nasabing awtoridad at ‘ikinulong’ sa burukratang meka­nismo at argumento.

Ibig sabihin, ‘ibinangga’ sa umiiral na mga batas pabor sa malalaking multinational phar­ma­ceutical drug cartels at maiimpluwensiyang medical societies ang kanyang alternatibong medisina na marami na ang napagagaling.

Ano ang magagawa ng isang doktor na nagpapraktis ng panggagamot sa pamama­gitan ng alternatibong medi­sina laban sa ganito kalaking  puwersa ng impluwensiya at salapi?!

Sa huli, walang nagawa si Dr. Farrah kundi ang magsara ng klinika.

At sa kasalukuyan ay inaasahan niyang mabibigyan siya ng konsiderasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan lalo ng Department of Health (DOH) at FDA upang muling makapag­bukas ng klinika nang sa gayon ay hindi makom­promiso ang kalagayan ng kanyang mga pa­syente.

Ang ipinagtataka natin sa pamahalaan, kapag may­roong nababalitaang gaya nito, ay hindi gumagawa ng paraan kung paano ma­pauunlad at mapoproteksiyonan ang mga henyo sa ating lipunan.

Sa halip, nagiging instrumento pa sila para gipitin ang mga kagaya ni Dr. Farrah.

Health Secretary Francisco Duque III, Sir, alam ninyong umuunlad ang pagtuklas ng mga alternatibong medisina sa ating bansa, wala ka bang gagawing paraan para protek­siyonan ang mga henyong ang puso ay nasa tunay na esensiya ng panggagamot at me­disina?!

Wala ba kayong gagawin kundi ang ayu­dahan ang mga nanggigipit at pabayaan ang mga nagsisikap makapaghatid ng murang gamot at maayos na panggagamot sa ating bansa?!

Alam ba ninyong sa ibang bansa ay laging bukas ang kanilang pamahalaan sa mga tradisyonal at alternatibong panggagamot?!

Kilos naman, Secretary Duque!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *