READ: Ganda at talent ni Alice, ‘di kumukupas
READ: Viva Hot Babes, ‘di pinabayaan ni Coco
READ: Maine, iniligwak na ng GMA
NAGMAMALDITA na nga ba sa set ang bagong discovery ng Kapuso na si Jo Berry? Sinasabing kapag inutusan ni Nora Aunor si Jo ay kumokontra ito.
Kung anong gustuhin ni Onay ay siya ang nasusunod. Aba! Bongga! Lumalaki na ba ang ulo?
Pero teka hindi po totoo ang sitsit. Sinusunod lang niyang mabuti ang utos ni Direk Gina Alajar.
Sa totoo lang, napatunayan ni Jo na sa showbiz pala hindi mga Tisoy at Tisay lang ang puwedeng gumanap na bida. Meaning, kahit little people na tulad niya ay puwedeng sumabak basta maganda ang istorya.
Sa Onanay, ipinakita ni Jo na may karapatang sumagot-sagot basta tama lang kahit ang kausap ay isang matapobreng tulad ni Cherie Gil.
Would you believe, mga batang paslit ang umiidolo kay Onay kapag palabas na ang serye niya. May tendency pang hindi papayag ang mga batang nanoonood na ililipat sa ibang station kapag Onanay na ang palabras.
Panalo ang Kapuso sa sugal nilang gawing bida si Jo.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales