MAY 2018 barangay elections results-wise ay landslide ang nakuhang tagumpay ni Kapitana Angelika de la Cruz sa Malabon laban sa kanyang nakatunggali.
Ngunit wari’y hindi rin napagtanto ng aktres na mistulang landslide rin pala ang mga basurang itinambak sa isang bayan nito lalo’t kasagsagan ng matinding ulan kamakailan.
Natural lang na may gawing aksiyon si Angelika, isang seryosong problema nga naman ang pagbaha dulot ng pesteng basurang walang habas na itinatapon na lang ng ating mga kababayang kulang sa disiplina.
Matatandaang kinondena ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang pagtapon ng kanyang bansa ng basura sa paligid ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela). Ito ang tiyak na salarin kung bakit nag-aalboroto ang mga punongbayan sampu ng mga opisyal ng barangay sa mga lugar na ito.
Hindi lang kalusugan ng tao ang nasa bingit ng peligro mula sa waste materials na ito na nagsisilutangan kapag malakas ang ulan. Nariyan din ang panganib bunga ng leptospirosis mula sa ihi ng mga daga na humahalo sa tubig-baha.
Bagama’t malawak ang perhuwisyo ng baha—hindi lang sa nasasakupan ni Kap. Angelika—malaking bahagi nito’y isinisisi sa mga nakaraang administrasyon tulad ng kay dating Pangulong Noynoy.
Mahalagang malaman ng bawat mamamayan na anuman ang iyong itinapon ay tiyak na babalik din sa iyo. What you sow is what you reap lang, ‘ika nga ang peg.
Ito ang aral na natutuhan ng bansang Indonesia na ang isang ilog doon na umaapaw sa basura ay ini-rehabiltate nila. Sa atin, kaunting ulan lang ay mistulang ilog na ang buong kapaligiran.
(RONNIE CARRASCO III)