Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maging true gentlemen kaya ang mga Kano?

PLANO umanong ibalik ng US Department of Defense ang tatlong Balangiga Bells ng Eastern Samar na kanilang ‘ninakaw’ bilang ‘war booty’ mahigit isandaang taon na ang nakalilipas.

Mismong si Trude Raizen, deputy press attaché g US Embassy, ang nagsabi na ayon kay Defense Secretary James Mattis ipinaalam na nila sa US Congress ang kanilang intensiyon na isauli ang nasabing mga kampana.

Ito ang mga kampanang tinanggal ng kanilang mga sundalo sa simbahan ng Balangiga, Eastern Samar noong 1901.

Inihudyat ng nasabing mga kampana ang pag-atake ng mga gerilyang Filipino laban sa US troops ng 9th US Infantry Regiment.  Nalagas ang 48 US soldiers, kabilang ang kanilang commander.

Pero rumesbak si Gen. Jacob Smith at inatasan ang kanyang tropa na maghasik nang ‘walang kapantay na kademonyohan ng mga halimaw.’

Sinunog ang Samar at pinatay ang lahat, kabilang ang mga batang edad 10-anyos pataas. Umabot sa 25,000 Filipino ang pinaslang sa utos ni Smith.

Ayon mismo sa ulat ng US, ang isang kampana ay nasa 9th In­fantry Regiment sa South Korea, habang ang dalawa ay nasa F. E. Warren Air Force Base sa Wyoming.

Isa tayo sa umaasa na paninindigan ng US Defense Department ang kanilang pangako na ibabalik sa Filipinas ang Balangiga Bells.

Ilang taon nang umaasa hindi lang ang mga taga-Samar kundi ang buong sambayanang Filipino na muling ‘uuwi’ ang Balangiga Bells sa lugar kung saan nararapat na ilagak at itanghal bilang sagisag ng katapangan, kabayanihan, pagkamakabayan at tunay na pagka-Filipino.

Sa pag-uwi ng Balangiga Bells (sana’y ito pa rin ang orihinal at genuine) umaasa tayong ito’y sasalubungin ng buong bansa gaya sa isang malaking pagdiriwang.

TERMINAL
RATIONALIZATION
PROGRAM
HINDI MATUTULOY

NAUDLOT ang planong terminal assignments o Terminal Rationalization Program ng mga airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa darating na 31 Agosto 2018.

Ito ang pahayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil may mga bagay pa raw na kailangan isaayos bago ang todong implementasyon ng naturang programa.

Ayon sa MIAA, “Terminal transfer of airlines will not proceed as originally envisioned. While talks with some airline operators have started and with some signifying their intent to transfer, options that have been discussed are explanatory in nature,”

Unang naging plano ng MIAA at Department of Transportation (DOTr) ang reassignment ng mga airlines upang maibsan ang nagsisikip na terminal sa pagdating ng mga eroplano at maging eksakto ang paggamit sa lahat ng terminals sa pamamagitan ng alignment ng domestic and international operations.

“In this regard, The MIAA in its letter dated June 5, 2018, formalized to the Committee Chairman of the House of Representatives Com­mittee on Transportation, its request to defer the implementation of the Terminal Rational­i­zation Program. Therefore, no transfer of airlines will occur until further notice,” ayon sa kanilang pahayag.

Inilinaw rin ng operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang paglipat ng ilang flights ng Philippine Airlines (PAL) sa NAIA Terminal 1 ay para sa pre­pa­rasyon ng reha­bilitasyon ng Terminal 2 na posibleng simulan bago matapos ang kasalukuyang taon.

“We assure the (riding) public that pas­sengers’ safety, comfort and convenience are always our priority,” dagdag ng MIAA.

Klaro naman siguro ang pahayag ng MIAA.

DROGA SA AOR
NG ERMITA
BAKIT
HINDI
NABABAWASAN?

GOOD pm sir Jerry, gusto ko lang po sana iparating sa kinauukulan bakit ho talamak at mukhang mas lalong dumarami pa ang droga sa AOR ng MPD PS5 lalo na po sa Baseco. ‘Yung mga user lang raw po ang tinutuluyan nila at pinalalabas na PUSHER raw kahit walang ebidensiya ay ibinabaon nila. Akala po namin ay magiging matino na ang mga pulis sa singko nang hulihin nila Gen. Anduyan at Gen. Eleazar kasama ng mga media ang tatlong KOTONG COPS ng presinto. Pero sana imbestigahan kung totoo na ‘yung bigtime pusher kapag nahuli ay nakalalabas pa gaya nina Bainot, si Nanay kung tawagin. Kawawa po kaming mamamayan. Dapat ‘yan ang unang ipinapa-tokhang ni Du30 ang mga pulis na buwaya.

Pakitanong nga rin po sa bagong hepe ng MPD PS5, BASECO PCP at ‘bagman’ na si alyas Jessie Boy kung wala silang alam sa galaw ng droga sa kanilang nasasakupan sir. Salamat Boss Jerry pakitago na lang po ang aking pagkakakilanlan baka balikan ako ng mga tao nila dito.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *