READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC
READ: Lola, lolo nalunod sa Kyusi
READ: P120-M ayuda sa sinalanta ng baha
ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan sa baha sa Brgy. Concepcion, Marikina City, nitong Linggo ng madaling-araw.
Kinilala ng kaniyang mga kaanak ang biktimang si Dioscoro Camacho, 36, at residente sa Brgy. Nangka, Marikina.
Ayon sa kaanak ng biktima, tinangka niyang lumangoy sa baha para isalba ang kaniyang motorsiklo ngunit lumubog at hindi na nakita.
Habang pinag-aaralan ng mga awtoridad ang posibilidad ng foul play sa pagkamatay ng lalaki.
Umabot sa 20.5 ang water level sa Marikina River noong Sabado dahil sa pag-ulan ngunit bumaba ito sa 16.8 metro nitong Linggo.