Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Lawrence, pinaplantsa na ang 12th anniversary concert

READ: Vance Larena, biggest break ang Pelikulang Bakwit Boys

PINAGHAHANDAAN na ng award-winning singer/song­writer na si Kris Lawrence ang kanyang 12th  anniversary sa mundo ng showbiz. Gaga­na­pin ito sa Resorts World, Newport Theater most probably by November this year.

Saad ni Kris, “Iyong solo con­cert ko will gonna be October or November. But more likely, early November, I will be celebrating my twelve years in showbiz.”

Wish din daw niyang maka­sama rito ang kanyang mga BFF at Soul Brothers na sina Billy Crawford at JayR. “Siyempre naman, gusto kong makasama sa special concert na ito sina Billy Crawford at JayR. I wouldn’t want to do a concert na wala iyong mga soul brothers ko. Then, makaka­sama rin dito si Denise Laurel, plus isa pa.”

Dagdag ng tinaguriang R&B Prince ng bansa, “I’m promoting Ako Na Lang, it’s my new single written by Vehnee Saturno. I already sung it sa Wish and nga­yon I’m doing my rounds para i-promote iyong bago kong single.”

Samantala, may bagong bukas na business si Kris, ang vape shop na matatagpuan sa South ng Metro Manila. “Yes po vape shop ito, Wicked Wirez South ang pangalan. We’re located at # 289 Aguirre Ave., BF Homes Parañaque, inside Tipsy South, next to Mini Stop,” pahayag ni Kris.

Saad niya, “Wicked Wirez was conceptualized by me and a couple of friends. Billy Craw­ford has a Wicked Wirez in Commonwealth. So, connected kami. Ako naman, sa South iyong branch ko.

“Pang-apat na business ko na po ito, we want to make Wicked Wirez grow. Nag-start lang kami three weeks ago, hindi pa kami nag-grand opening,” aniya.

Masasabi mo bang safe ang vape? Tugon niya, “So far wala namang nakikitang masa­ma. Marami na ang nag-stop ng smoking dahil sa vape. Sa Isang stick ng nicotine, ang laman ng nicotine ay 36mg. Sa isang 65ml juice, ang laman ay 3mg nicotine lang.

“More of an oral fixation lang ito. On another note, ma­bango siya… Whereas sa yosi, sobrang baho.”

So, mas ire-recommend mo ang vape? ”Yes, mas ire-recommend ko ang vape, kaysa yosi,” wika ni Kris.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …