Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yayo, grateful sa Cinemalaya dahil sa mga makabuluhang project

READ: Maricel Morales, bilib sa galing ng BeauteDerm

MARAMI ang pumupuri sa galing na ipinakita ni Yayo Aguila sa Cinemalaya entry na The Lookout na napapanood na ngayon hanggang August 12. Pero, hindi iniisip ni Yayo ito dahil ang mas mahalaga sa kanya ay makagawa ng mga makatu­turang pelikula.

“Grateful ako sa Cinema­laya, kasi rito ako nakahanap ng fulfillment in being an actor. Isa pa, ang daming pelikula kaya maraming actors ang nabibigyan ng break… pati na rin filmakers at scriptwriters,” saad ni Yayo.

Dagdag ng aktres na unang nakilala sa classic film na Bagets noong 1984, sobrang fulfilling sa kanya ang paggawa ng indie films. “Third time ko na itong The Lookout sa Cinemalaya. Second time ko iyong Kiko Boksingero, bago iyon, may short film entry ako na nanalo ng Best Direction and Special Jury Prize.

“Sobrang fulfilling sa akin ang indie… mas marami akong nagagawang kakaibang charac­ter, mas nae-explore ko ang sarili ko.”

Ano ang papel niya rito at paano niya ide-describe ang pelikula?

“Ako rito si Merlyn Limotog, may dalawang anak na napilitang ibenta sa sindikato hindi lang para sa pera at sa utos ng kanyang partner, kundi sa inten­siyong ilayo na lang ang mga anak sa pananakit ng kanyang kinakasama. Pinili niyang ilayo ang mga anak sa hirap ng buhay, sa pag-asang makaaahon sa hirap, sa poder at pagkalinga ng iba.

“Iyong pelikula, psycho-thriller siya! Malalim, madilim, mabigat, at masalimuot dahil sa mga nangyari at pinagdaanan ni Lester at kung ano ang naging bunga ng past niya. It is about revenge, pero maraming lessons to learn dito.”

Ang Gala Night ng The Lookout ay gaganapin sa August 7, 2018 – 6:00 pm sa Main Theater ng CCP. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Afi Africa at tinatampukan din nina Andres Vasquez, Jay Garcia, Elle Ramirez, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Ahwel Paz, Jemina Sy, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …