MUKHANG matutuloy na sa pagsabak si Willie Revillame sa politika. Una nang napabalitang may kumakausap na sa Wowowin host para tumakbong Mayor sa Quezon City, kapalit ni incumbent Mayor Herbert Bautista.
Mas lalong umingay ang usap-usapan tungkol dito nang dumating sa executive lounge ng Quezon City Hall ang alkalde ng Davao City, Mayor Sarah Duterte, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nakatakdang meeting nila ni Willie last July 30.
Ayon sa balita, inaalok ni Sarah na tumakbong senador ang TV host.
Isang video ang ini-upload sa Facebook ng staff ni Willie na makikitang may seryosong pinag-uusapan sina Willie at Mayor Sarah. Nagpakuha ng larawan sina Willie at Mayor Sarah sa tabi ng Philippine flag, na tila photo op para sa endorsement.
Ito na kaya ang hudyat na papasok na si Kuya Willie sa politika sa 2019 elections?
Makakalaban ng Wowowin host ang kasalukuyang Vice Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte, if ever na Mayor ang takbo ni Kuya Willie.
Si Mayor Sarah ang itinuturing ngayong may hatak sa mga politiko, lalo pa’t anak siya ni Pangulong Duterte.
***
GINAWARAN ng Social Media award at Most active aspiring model si Summer Javillonar aka Donya Durang sa katatapos na recital events ng JMM sa Marikina City noong June 24, 2018.
Sa lahat ng mga rumampa, natatanging malakas ang hiyawan at palapakan sa batang isang taon at anim na buwang gulang na si Summer. Hindi magkamayaw ang mga manonood sa bibo at magandang bata na sa murang edad ay gumagawa ng pangalan sa mundo ng pagrampa.
Sa murang edad ni Summer makikitaan na siya ng taglay na kabibohan dahil kaya na niyang makipagsabayan sa mga matatanda sa kanya at makipag-usap na animo’y kasing edad lang ang kausap.
Matalino, makulit at palakaibigan siyang bata. Sa kanyang edad na 18 buwan, kaya na niyang makapagbasa ng ABC, magbilang, tumukoy ng mga kulay at hugis. Nagagawa na rin niya makapagsulat ng pakonti-konting letra at gumamit ng computer.
Maituturing na isa siyang genius na bata sa kanyang murang edad. Kapag ayaw niya sa isang bagay, hindi niya ito binibigyan pansin. Mas gusto niyang sundin kung ano ang nakapagpapasaya sa kanya.
Dahil sa kanyang taglay na talino, napagpasyahan ng kanyang mga magulang na ipagpatayo siya ng sarili niyang negosyo para sa kanyang future. At sa tulong nila, magbubukas ngayon taon ang kanyang clothing line business na siya mismo ang isa sa may-ari with the partnership of an Australian businessman na mayroong clothing line company sa Australia, India at Thailand. Dito mismo sa Filipinas ginagawa ang mga damit at dinadala sa nabanggit na mga bansa ang produkto.
SDCPH (Summer’s Designer Collection Ph) ang pangalan ng kanyang kompanya. Ngayong taon na ito il0-launch ang kauna-unahang collections na gawa mismo ng sarili niyang aspiring designers at sinisiguro nila makakayang bilhin ng masa at papatok sa kanilang panlasa mapa-lokal o international.
Dahil sa kagustuhan niyang maibahagi ang kanyang blessings sa kapwa niya bata naging mission ng SDCPH na makatulong sa mga batang nangangarap din na tulad niya na maranasan ang makarampa at mairampa ang collection ng isang clothing line mapa-lokal at international.
Sa tulong ng kanyang team, sila ay naghanap ng mga batang Pinoy na maaaring rumampa at maging bahagi ng kauna-unahang SDCPH Brochure. Ito ay binubuo ng 60 kabataang Pinoy (babae at lalaki).
Vision ng SDCPH na mapalago ang kompanya at makilala rin ito sa local market hindi lamang sa international market. Layunin nito na makapagbigay trabaho sa mga manggagawang Pinoy bukod sa makapagbigay ng pagkakataon sa mga pangkaraniwang batang Pinoy na makapagmodelo sa isang clothing line.
Abangan!
***
Ang portion na Juan for All, all for Bayanihan of the people na patok sa mga kababayan natin sa bawat barangay na napupuntahan ng Eat Bulaga sa buong bansa ay nagbigay ng kasiyahan at malalaking papremyo sa mga kababayan nating masuwerteng nabubunot, bilang tulong ng number one noon time show sa mga kababayan natin. Kaya suportahan po natin ang EB araw-araw sa estasyong may puso.
Ano pa, ‘di GMA 7!
PALABAN
ni Gary P. Sta. Ana