Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez na-wow mali pero natawa lang sa sarili

READ: Matagumpay na businesswoman sa Dubai na si Mary Jane Alvero nagsimula sa ibaba at nagsikap

SA kanyang IG at Facebook account ay nag-post si Sylvia Sanchez na hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak dahil na-wow mali sa date ng pupuntahang book launching ng pamosong screenwriter, book author at Carlos Palanca Memo­rial Awardee na si Jerry B. Gracio para sa bago niyang aklat na may titulong “Bagay Tayo” at ang kakambal na “Hindi Bagay.”

Ang feeling kasi o nasa utak ni Sylvia ay noong Saba­do (August 4) ang paglulunsad ng libro, imbitado nga siya.

So nag-ayos, nagpa-make-up at gayak na gayak at naghanda nang pumunta sa venue ang aktres. Noong nasa EDSA na ang mahusay na aktres, para hindi maligaw ay may tinawagan siya para itanong ang exact location ng event — ang  Namayan Raffles Hotel. Sinabi sa kanya ng kausap na sa August 11 pa ‘yung date ng launching ng libro ni Jerry.

Ay sus! Natawa talaga ang aktres!

Hayun para huwag ma-badtrip ay nag-lunch na lang si Ibyang (palayaw ng actress) at sumaya nang makita ang anak-anakan na si Marvin Agustin. Nag-joke pa sa kanyang IG na sign na raw ba ng alzheimer’s (tulad ng ginampanang character bilang Nanay Gloria sa The Greatest Love) nang makalimutan niya ang date ng imbitasyon sa kanya ng kaibigang si Jerry na author din ng librong “Minsan Lang Sila Normal.”

Samantala finalist bilang Best Actress sa EdukCircle Awards si Sylvia para sa mahusay niyang performance sa huling teleserye sa ABS-CBN at GMO unit na “Hanggang Saan” na gumanap naman siyang martir at mapagmahal na si Nanay Sonya.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …