Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sara, GMA at Imee binarako si Alvarez

ANG dating mabangis na tigre, ngayon ay kuting na lang. Ganyan maihahalimbawa si dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez matapos patalsikin ng mayorya ng mga kongresista sa Kamara sa araw mismo ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong Hulyo.

Parang isang paghuhukom ang nangyari sa Kamara, at nagdiwang ang mga kongresista na pawang mga inapi at sinagasaan ni Alvarez. Para sa kanila, isang malaking tagum­pay ang pag­kakaluklok ni dating Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo bilang bagong lider ng Kamara.

Bumalik na ang katinuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at ang mga nalasing sa kapangyarihan noon tulad ng grupo ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ay parang mga basang sisiw na lamang ngayon.

Kung tutuusin, matagal na ang planong kudeta o pagpapabagsak kay Alvarez. Noong nakaraang taon pa lamang, marami na ang nagagalit na mga kongresista sa mga gawi ni Alvarez pero ang huling galit o bugso ay nang mangahas na pati si Davao City Mayor Sara ay banggain ng kongresista.

Isa rin sa pinakamatinding nakaaway ni Alva­rez ay si Ilocos Norte Governor Imee Mar­cos. Sa halip maging neutral sa imbestigasyon ng “Ilocos 6” na ipinatawag ni Fariñas, nakisawsaw pa at nakialam kahit alam ni Alvarez na ito ay away lokal na politika sa Ilocos Norte.

Wala rin respeto talaga itong si Alvarez dahil mismong si dating Pangulong Arroyo ay kanyang sinibak bilang Deputy Speaker nang hindi sumuporta sa Death Penalty bill. Inakala ni Alvarez na tau-tauhan na lamang si GMA at wala na siyang “tao” sa Kamara.

Marami pang binangga itong si Alvarez na mga kongresista kahit sabihin pang kabilang sila sa super majority at mga tagasuporta ni Digong. Pero ang malaking pagkakamali ni Alvarez ay banggain niya ang “tatlong maldita” na sina Sara, GMA at Imee.

Hindi niya inakala na kung magkakaisa ang tatlong babae tiyak na mayoon siyang kalalagyan. Tunay na binarako nina Sara, GMA at Imee si Alvarez, at ang tamang tiyempo ay sa araw mismo ng SONA ni  Digong.

Isang linggo bago maganap ang SONA, abala na ang tatlo sa pakikipag-usap sa kanilang mga kaalyado para sa gagawing kudeta. Si Imee, bukod sa solid north, kinusap din niya ang grupo ng mga kongresista sa Kabisayaan para ihanda ang isang manifesto.

Kung tutuusin, sa araw ng linggo bago paputukin ang kudeta kinabukasan ay nagkaroon pa ng head count para masiguro ang pagpapatalsik kay Alvarez. At nang makita na mayroon o sapat na ang kanilang bilang, itinuloy at nagtagumpay ang kudeta sa araw ng SONA.

Parang basang sisiw si Alvarez nang ilunsad ang kudeta laban sa kanya. Habang nagsasalita si Digong, si Alvarez naman ay nakatingin sa kawalan. Maamong ‘baby’ kung titingnan at parang sinabing… “bakit ninyo ako pinatulan!”

Sayang, kung naging maaayos lang na lider si Alvarez, e, hindi na sana siya nabarako ng tatlong maldita!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *