READ: Rita, sabihan ng ‘hugot’ ni JM
READ: Mga anak ni Nora, kailan matatauhan?
MAGANDANG strategy ng Kapamilya Network ang pagpasok ng mabigat na eksena ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ito ay ang pagtatagpo nina Coco Martin at JC Santos.
Isa ito sa inaabangan ng mga tagahanga. At nagging epektibo naman dahil hindi binitawan ang serye ni Coco na tinapatan ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.
Sinong tagahanga ba naman ang bibitiw sa Ang Probinsyano para lang panoorin si Alden?
Halatang malapit nang tuldukan ang serye kahit sabihing haka-haka ng mga televiewer ano pa man ang dramang ipakikita sa AngProbinsyano.
Pagkaraan ng labanang Coco-Edu Manzano at John Arcilla at ng Vendetta, tiyk na hindi pa rin masasapawan ni Alden ang bida sa FPJAP.
Kahit sabihin pang mala-international ang mga special effects na ginamit ng Victor Magtanggol, nananatiling unbeatable ang action serye ni Coco.
May mga nagtatanong, kung anong serye ang ipapalit sa FPJAP. Na tanging Kapamilya lang ang makatutugo.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales