Friday , November 22 2024

Pila sa UPCAT application bakit nagkagulo

NAGULAT tayo nang napanood natin sa telebisyon nitong mga nakaraang araw ang pagpapasa ng mga estudyante ng kanilang application form para sa UPCAT.

Hindi natin maintindihan kung paano naghanda ang Admission Office ng University of the Philippines (UP) sa Diliman gayong alam naman nila na marami talagang mag-a-apply dahil wala nang bayad ang application at kung sakaling makapasa ang estudyante ay wala na rin tuition fee.

Noong bisperas pa lamang ng deadline, maraming aplikan­teng estudyante ang nag-camp-out para maaga silang makapila kina­bukasan.

Ibig sabihin, kung nakita ng UP Admission Office ang sitwasyon noong gabi pa lamang ay maaga na silang nakapag­handa sa pagdagsa ng mga magulang at estudyante.

Kung kulang man sila sa staff, napakadali namang mag-hire ng student assistants ‘di ba?!

Hindi natin alam kung ano ang problema ng UP sa paglalagay ng mga staff pero mukhang kulang talaga.

Hindi lang ‘yan sa UPCAT.

Sa katunayan, isang kaanak natin na kumuha ng UP Law Aptitude Examination ang inabot ng dalawang buwan kahi­hintay bago lumabas ang resulta. Lumabas na ang resulta ng ibang law school or university na pinag­kuhaan niya, pero ‘yung sa UP umabot nang dalawang buwan?!

Kung ‘yan ay dahil sa pagiging metikuluso ‘e parang sobra naman ‘yung dalawang buwan bago mailabas ang resulta. High tech na po tayo ngayon.

Anyway, alam naman nating matatalino at mahuhusay ang mga namamahala sa UP, sana lang po, huwag nang maulit ang kagayang senaryo na marami ang nasaktan, hinimatay, nadesmaya at nagutom para lamang maka­kuha ng UPCAT.

Pahalagahan po natin ang mga kabataang nagsisikap na maging mabuting mamamayan. At higit sa lahat, huwag po natin kalimutan ang sinabi ni Gat Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *