READ: New singer Macoy Mendoza, wows audience!
SA recent grand presscon ng bagong teleserye ng GMA 7 na “Onanay” na magsisimulang umere ngayong August 6 (Lunes) sa GMA Telebabad ay muling pinagkaguluhan ng entertainment press si Nora Aunor.
Yes, tunay na hanggang ngayon ay Superstar pa rin ang status ni Ate Guy, dahil marami ang gustong magpa-photo-op sa kanya kabilang na ang inyong kolumnista.
Sa Onanay ay gagampanan ng mahusay na actress (Aunor) ang karakter ni Nelia, ang very supportive na Nanay ng bidang midget stage actress na si Jo Berry bilang si Onay, na siyang iikutan ng istorya as a woman born with Achondroplasia or a bone growth disorder which impeded her growth but chooses to remain positive in life and to always look at the brighter side of things.
At dahil nga tipong kay Jo iikot ang istorya ay natanong si Ms Nora kung okay lang sa kanya na maging very special participation o may special role lang sa Onanay. “Okay lang ‘yun. Doon sa Little Nanay naman hindi rin naman ako, e. Kay ano ‘yun, e… kay… sino nga ‘yung kasama ko doon? Ha, ha, ha,” aniya, tinutukoy si Kris Bernal.
“Hindi rin naman ako ang title role doon, e. Sa Little Nanay. Saka okay lang sa akin ‘yon kasi, sa ngayon naman wala na tayong dapat patunayan pa.
“Ang importante sa akin ngayon, kailangan makatulong tayo sa ibang mga artista lalo na ‘yung mga nag-uumpisa pa lamang sa kasalukuyan.”
Pinasalamatan pala ni Ate Guy ang GMA, sa ibinibigay na importansiya at respeto sa kanya ng station na muli siyang pinapirma ng kontrata para sa role sa Onanay.
Umaapaw naman ang tuwa at halos maiyak si Jo Berry sa tiwala at malaking break na ipinagkaloob sa kanya ng Kapuso na maging bida dito sa Onanay at ayaw niyang sayangin ang magandang oportunidad na dumating sa kanyang buhay.
“Ayaw ko pong palampasin ang malaking opportunity. Naniniwala po ako sa story they presented to me. Gusto ko pong magbigay ako ng inspirasyon sa mga tao lalo sa mga katulad ko. Major decision at major twist po ito sa buhay ko. Pero naniniwala ako na kaya po different ako kasi may bigger purpose ako to play sa mundong ito. Gusto ko pong sa pamamagitan ng seryeng ito, maiba ang pagtingin ng mga tao sa mga “little people” na tulad ko,” sey ni Jo na makatitikim ng matinding pang-aapi mula kay Ms. Cherie Gil, na main villian sa soap.
Naikuwento ni Cherie ang challenges sa kanya kapag kaeksena niya si Jo, limitado raw ang kilos niya dahil kailangan niyang tumingin sa maliit na actress.
Kaya bilib siya sa director nilang si Gina Alajar na magaling maghanap ng anggulo para maayos na makuhaan ang mga eksena nila ni Jo. Inamin din ni Ms. Gil, na natatakot siya na masaktan si Jo ‘pag ang eksena ay kumakapit ito sa binti niya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at masipa niya ito.
Parte rin ng malaking cast ang sumusunod: Gardo Versoza bilang Dante, Wendell Ramos (Lucas), Rochelle Pangilinan (Sally), Vaness del Moral (Imelda), Enrico Cuenca (Oliver), at Adrian Allandy bilang si Elvin na asawa at ama ng anak ni Jo.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma