Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, saludo sa professionalism ni Piolo Pascual

READ: Josh Yape, patuloy sa paghataw ang career

SOBRA ang kagalakan ni Lance Raymundo sa paglabas niya ngayon sa seryeng Since I Found You na tinatampukan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz. Ang papel dito ni Lance ay bilang si Dr. Philbert Mon­treal, isang philanthropist na naging tulay para magkaayos sina Piolo at Arci sa naturang Kapamilya TV series.

Esplika niya, “Sobrang saya ko, I feel so blessed and thankful sa timing, kasi lalabas na ‘yung song at music video ko sa first week of September. So, thanks to my exposure sa SIFY, people will be more familiar with me by the time na i-release iyong single ko na You Are The One (YATO) from Viva.”

“Bukod sa pagiging doctor, my character is a philan­thropist… always helping poor kids. Dahil sa akin… na-bridge ko sina Piolo and Arci nag-break na at hindi na nag-uusap. Then nagpa-medical mission ako sa shelter ni Piolo and ipinasama ko si Arci roon.”

Pinuri rin niya ang mga kasa­ma sa seryeng ito lalo na si Piolo. “Si Alessandra (de Rossi) ‘yung pinakanakakasama ko rati pa and it’s always a pleasure working with her! Kasama ko siya sa first soap ko… iyong Pieta.

“Arci is so beautiful and so nice! On the spot, naging magka-vibes na agad kami and she’s so cute portraying her character na si Dani! Si Empoy naman, ‘pag sila ni Alex ang kinukunan… we always love to watch! It’s like watching a feel good comedy film! Tawanan kaming lahat palagi.

“Piolo, I would say is pro­bably one of the nicest super­stars in the country. Totoo ‘yun, very accommodating to every­one, he won’t make you feel like you’re a newcomer. Isa siya sa mga tao na kahit na isang oras lang ‘yung tulog, one hundred percent pa rin ang ibinibigay niya sa work,” aniya.

Saad ni Lance, “Hindi siya iyong tipong ‘Wala akong tulog ngayon ha,’ Yung mga ganoon. As in he’s alive, nasa set e, trabaho ‘yun e. So he’s someone na people like me na mas bago really should look, he’s a role model for all of us.”

So, hindi nagpapaka-super­star si Piolo? “Not at all. And then, ‘yung importante nga talaga ‘yung energy ng tao. Kasi mara­ming mga ibang artista, alam mo iyong kapag puyat, they’re moody, they don’t go on the set right away. Ito one hundred per­cent kaagad, so kaya pala hang­gang ngayon nandoon pa rin siya,” saad pa niya ukol kay Piolo.

Si Lance ay nasa panga­ngalaga ngayon ng Viva Artist Agency at bukod sa SIFY at sa pinagbibidahan niyang movie with Direk Elwood Perez, marami pang kaabang-abang na projects sa kanya. Kabilang na rito ang kanyang pagbabalik-recording scene via his forthcoming single na You Are The One na katata­pos lang niyang gawin ang MTV with Jana Victoria.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …