Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Josh Yape, patuloy sa paghataw ang career

READ: Lance Raymundo, saludo sa professionalism ni Piolo Pascual

ISA si Josh Yape sa up and coming young singer ng bansa. Madalas siyang napapanood lately sa mga shows at mall tours. Kabilang sa mga pinagka­ka-abalahan niya recently ay guestings sa Wish FM 107.5, Pambansang Almusal,  Net25 sa Letters at sa Pinas FM 95.5.

Nabigyan din siya ng parangal sa 2018 Gawad Pilipino bilang Pinakamahusay na Kaba­taang Mang-Aawit ng Taon at Media People’s Choice Award 2018 Gawad Filipino Awards. Recently ay nabigyan din ng break si Josh sa EuroTV Phili­pinnes bilang host, kaya naman so­brang thankful ng binatilyo.

Saad ni Josh, “Okay naman po ‘yung mga show po namin, napaka-successful po at mara­ming positive comments po sa show. Pati po iyong aming Mall tour na nagsimula sa Ali Mall, Cubao po, naging okay naman po.

“Pinapasalamatan ko po lahat ng tumutulong sa akin, pati na rin po si Tito Throy J. Catan, sa mga oppurtunity po na ibini­bi­gay niya sa akin at sa mga advice po. At sa Euro TV Philip­pines po na binigyan ako ng pagkakataon para maging isa po sa regular host sa segment po na Euro TV Playlist Live. And siyempre po, masaya po ako na matanggap ‘yung award ko.”

Sinabi rin ni Josh ang kan­yang mga single. “Opo, mayroon akong single na Maghihintay Ako at Kahit Malayo Ka. At magka­karoon po ako ng third single po, iyong Hanggang Ngayon.

“Available na po siya sa Spotify, iTunes, Amazon, Guvera, at Deezer po. For more updates po sa mall shows po, puwede po nila akong i-follow po sa social media ko po, Face­book po – Josh Yape, Instagram ko po @joshuamallows po.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …