Monday , December 23 2024

Birthday cash gift sa rehistradong Taguig PWDs aprobado na

TIYAK na magsasaya ang mga persons with disability (PWDs) sa Taguig City.

‘Yan ay matapos aprobahan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang benepisyong cash gift sa mga PWD sa araw ng kanilang kapanganakan.

Isa sa mga unang-unang natuwa ay si Annaliza Adrineda, isang 39-anyos solo parent, na nakatanggap ng birthday cash gift mula sa Taguig Persons with Disability Affairs Office (PDAO) noong Abril.

“Masaya po dahil malaking tulong po itong birthday cash gift ng Taguig para sa mga katulad kong PWD,” wika ni Annaliza, na may kapansanan sa dalawa niyang paa at gumagamit ng saklay upang makagalaw at makaganap ng gawain sa araw-araw.

Mag-isang nagpapalaki ng kanyang anak na babae si Annaliza sa pamamagitan ng pagtitinda ng saging sa tabi ng kanyang bahay para sa kanilang panggastos sa araw-araw.

Malugod niyang pinasasalamatan si Taguig City Mayor Lani Cayetano matapos niyang matanggap ang cash gift.

Bukod kay Annaliza, mahigit 7,000 iba pang PWDs sa Taguig ang nakatakdang tumanggap ng birthday cash gift ngayong taon matapos aprobahan ng lokal na konseho ng Taguig ang ordinansa na nagtakdang magbigay ng P1,000 birthday cash gift sa mga rehistradong PWDs tuwing kanilang kaarawan.

Sa ilalim ng Ordinance No. 29, Series of 2017, ang Taguig City ang magbibigay ng naturang halaga sa registered PWDs.

Ang ordinansang ito, ayon kay PDAO officer-in-charge Helario Supaz, ay bunsod ng mabuting layunin ng konseho at ni Mayor Lani na mabigyan ng financial assistance ang mga Taguigeño partikular ang mga may kapansanan.

“Masaya tayo para sa ating PWD community dahil patunay ang ordinansang ito na seryoso ang lokal na pamahalaan na iangat ang antas ng kanilang buhay,” wika ni Supaz.

Nagsagawa na rin ang Taguig City ng kauna-unahang birthday cash gift distribution sa mahigit 669 PWD beneficiaries na ginanap sa Lakeshore Hall noong April. Sa second quarter ngayong taon, mahigit 1,400 beneficiaries ang nakakuha ng kanilang cash gift sa ginawang distribution nitong 19-21 Hulyo 2018.

Upang makuha ang birthday cash gift, ang mga beneficiary ay dapat magpakita ng kanilang PWD identification card na inisyu ng Taguig PDAO.

Ang mga kinatawan na naatasang mag-claim ng financial assistance ay dapat magpakita ng authorization letter, photo­copies ng PWD card ng benepisaryo at valid ID ng taong kukuha.

Ang Taguig City, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Lani, ay patuloy na iaangat ang kalaga­yan ng mga miyembro ng PWD community sa pamamagitan ng programang kasama ang financial allowances sa PWD personnel sa bawat barangay at magbigay ng trabaho para sa kanila upang masiguro ang kanilang maayos na pamumuhay.

Noong 2015, ang lungsod ay nag-hire ng 14 deaf-mute upang maging data encoders na mag-i-input ng mga datos na kinalap ng mga field survey personnel para sa Taguig City Integrated Survey System (TCISS). Ang TCISS ay may layunin na magbigay ng impormasyon mula sa aktuwal na mga kababayan upang masukat ng lungsod ang maayos na pagbibigay ng programa at proyekto na tunay na kinakailangan ng mama­mayan sa Taguig. Sa ngayon ang lungsod ay mayroong 22 deaf and mute survey encoders.

Bukod rito, ang mga PWD ay patuloy na binibigyan ng priority lanes sa lahat ng opisina at serbisyo sa Taguig. Ang PWDs ay binibigyan din ng scholarship grants sa ilalim ng Priority Courses and Skills Training ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need scholarship program.

Nagpapatayo rin ang Taguig ng Disability Resource and Development Center — isang 5-storey building na matatagpuan sa Ipil-ipil St., Purok 7, Barangay North Signal — na magbibigay ng iba’t ibang serbisyo sa PWDs sa Taguig, kasama na rito ang livelihood trainings, transition programs, tutorial services, at showroom na maglalathala at magbibida ng kanilang handicraft products gawa ng Taguigeño PWDs.

Ang PDAO ay nakatakdang magpatupad ng Community-Based Inclusive Development Program na tutulong sa pitong barangay sa Taguig. Ang programang ito ay magtatalaga ng occupational, physical at speech therapists na handang tumulong sa kapwa Taguigeños na nangangailangan.

Ayon kay Supaz, ang mga proyektong ito ay malaking hakbang sa plano ni Mayor Lani na ihanda ang mga PWD sa lungsod na magka­trabaho at i-develop ang kanilang mga kakayahan at tiwala sa sarili.

“We want the City of Taguig to be a place where everyone can dream big and think big so rest assured that we will continue creating programs that will help you in achieving your dreams and aspirations,” saad ni Mayor Lani.

Kudos Mayor Lani!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *