READ: Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo
READ: Kris, winakasan, pang-iintriga sa kanila ni Sharon
NANATILING pinakapinanonood ang action serye ni Coco Martin dahil hindi ito tinalo ng bagong katapat na programa noong Lunes, Hulyo 30.
Sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang Kapamilya primetime series ng national TV rating na 42.4% sa parehong rural at urban homes, o higit doble sa nakuhang 20% ng Victor Magtanggol ni Alden Richards.
Ang episode na napanood sa FPJAP ay ang pagbabalik ng Maynila nina Cardo (Coco) at Alyana (Yassi Pressman) para magpaalam sa kanilang pamilya na sa Sto. Niño na sila maninirahan. Na naging dahilan para matunton sila ni Marco (JC Santos), na may kasamang armadong grupo upang patayin si Cardo at bawiin si Alyana.
Talo rin ang serye ni Alden sa AGB Nielsen Philippines’ Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM). Nakakuha lamang ang Victor Magtanggol ng got 12.4% rating samantalang ang FPJAP ay mayroong 14.7%.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio