Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-PNOY’s ‘transparency’ sa West Philippine Sea ‘ibinato’ ni Sec. Cayetano

HINDI inatrasan ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano ang mga kritisismo ni dating Pangulong Benigno Aquino at Bise President Leni Robredo tungkol sa umano’y kawalan ng “transparency” ng Duterte administration sa mga hakbang na ginagawa para ipaglaban ang karapatan sa West Philippine Sea.

Mariing pinanindigan ni Cayetano wala silang itinatago sa taongbayan lalo ang tungkol sa isyu ng pakikipag-ugnayan sa China o sa ibang bansa man.

Ipinagmalaki ni Cayetano, lahat ng meeting niya at ni Presidente Duterte sa mga pinuno ng China tulad ni President Xi Jin Ping, Chinese Premier Li Kequiang ay may mga record at hindi itinatago sa publiko.

Hindi rin sila maramot sa pagtanggap ng suggestions para mas mapabuti ang mga patakaran o programa kasabay ng pagtiyak sa mga Pinoy na “walang secret deals” sa pagitan ng China at Filipinas at walang dapat ipag-alala ang lahat dahil patuloy nilang isinusulong ang interes ng nakararami.

At kahit paulit-ulit, makailang beses nagpaliwanag ang Kalihim sa Kongreso at iba pang ahensiya ng gobyerno pati sa media tungkol sa kanilang mga ginagawa para pangalagaan ang ating “sovereign rights” sa West Philippine Sea.

Sa kabila nito, nagpasaring ang dating Pangulo na kulang ang “transparency” at  dapat ipaalam sa taongbayan ang mga nata­talakay sa mga negosasyon sa China para mawala ang agam-agam ng mga kababayan natin.

Tila paurot din na nagkomento si VP Leni na “hindi magtata­gumpay at hindi magbubunga nang mabuti” ang bilateral talks ng Filipinas sa China.

Lumalabas tuloy na parang sourgraping ang hirit ng ating dating Pangulo. Tumpak si Secretary Cayetano na dapat tanungin ni ex-PNoy ang kanyang mga kaalyado na sina Sen. Trillanes at dating Kalihim Albert del Rosario kung naging tapat at transparent din ba sila sa kanya noong termino niya?!

Palaisipan at bulag ang mga Filipino kung ano ang tunay na nangyari sa Scarborough o Panatag Shoal.

Karapatan nating malaman ang puno’t dulo ng pagkawala ng kontrol sa Scarborough Shoal. May papel ba ang Amerika sa mga nangyaring girian? Kaninong administrasyon ba unang nawala ang ating teritoryo?

Bakit parang binabaligtad nila ngayon gayong sila ang mas maraming hindi inilabas na mga kasunduan?

Hinamon ni Cayetano ang mga opisyal ng nakaraang admi­nistrasyon na ipaliwanag kung bakit nawala ang kontrol ng Filipinas sa Scarborough Shoal noong 2012 at kung ano ang papel ni Sen. Trillanes sa pakikipagnegosasyon sa China noon.

Mukhang nakalimutan ni ex-PNoy na bago magkagirian ng barko ang Filipinas at China, malayang nakapangingisda ang mga Filipino roon. Pagkatapos ng Scarborough Stand-off, nakontrol na ng China ang naturang fishing ground at nagdusa ang mga mangingisdang Filipino.

Ani Cayetano, patuloy nilang ipinaglalaban ang karapatan ng Filipinas sa West Philippine Sea ngunit iba ang kanilang paraan para maabot ito.

Aniya malaki ang epekto ng magandang relasyon ng RP-China sa turismo at ekonomiya ng bansa bukod sa paghupa ng tensiyon sa West Philippine Sea.

“Tatlo sa 4 na sovereign rights” na nakapaloob sa Arbitration ruling ay napapakinabangan ng mga Filipino sa ngayon.

Una nakabalik sa pangingisda ang ating mga kababayang mangingisda sa Scarborough Shoal.

Pangalawa, ang pagkakaron ng Agreement of Safety of Life at Sea na maaaring magbigay ng proteksiyon sa ating mga mangingisda kapag may bagyo o iba pang sakuna.

Pangatlo, ang pagkakaroon ng marine environment protection agreement para pa­ngalagaan ang mga yamang dagat. Ipinag­ba­bawal na rin ang paghuli sa mga isda at mala­laking clam sa mga breeding ground.

CROWN REGENCY
HOTEL & RESORT
SA BORACAY
MAY CASINO RIN

NAALALA ba ninyo ang ginanap na FHM Boracay na dinayo ng marami nating kababayan at mga dayuhang turista?!

Yes, ‘yun nga! Ang sponsor ng FHM Boracay ay Crown Regency Hotel & Resort sa Boracay.At gaya ng Movenpick Resort & Spa Boracay, mayroon din silang casino.

Yes, PAGCOR chair, Madam Didi Domingo, may casino rin ang Crown Regency Hotel & Resort.

Alam mo rin ba ‘yan at naiulat mo rin ba kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

Mukhang hindi, dahil naninindigan ang Pangulo na “Bawal ang casino sa Boracay!”

‘Yun lang, hindi niya alam na dati nang may mga casino sa Boracay.

Kahit na nga sabihin pang junket operation ‘yan at hindi mga Filipino ang naglalaro, casino pa rin ‘yan!

Sabi na sa iyo Madam Didi, unahin mo ang pag-iimbentaryo ng mga hotel & resort sa Boracay. ‘Yan ay para masiguro mong wala ngang casino at matutupad ang utos ng Pangulo na bawal ang casino sa Boracay!

Isantabi muna ninyo ag pagkembot-kembot sa ballroom Madam Didi at unahin muna ninyo ang pagtitiyak na walang casino sa Boracay.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *