Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

How about Mövenpick Resort & Spa Boracay, Madam Didi?!

HINAHAMON yata ng isang malaking kompanya ng hotel and casino ang political will ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil hanggang ngayon ay ipinangangalandakan nila na tuloy pa rin ang pagtatayo ng kanilang US$55-million casino resort complex sa Boracay.

Ayaw maniwala ng Leisure and Resorts World na kayang panindigan ni Pangulong Digong ang kanyang sinasabi na ayaw niya ng Casino sa Boracay.

Pero sa isang banda, may katuwiran din na hindi maniwala ang Leisure and Resorts World kasi nga naman matagal nang may Casino sa Boracay — ‘yan ang Mövenpick Resort & Spa Boracay.

Posibleng ngayon ay walang operasyon ang Casino kasi nga under rehabilitation ang Boracay pero sa muling pagbubukas niyan, tiyak na balik sa dating operasyon ang Movenpick.

Sabi nga, back to normal operations.

Puwede rin namang kaya sinasabi ng Pangulo na bawal ang Casino sa Boracay dahil hindi naiuulat sa kanya ng Philippine Amuse­ment and Gaming Corporation (PAGCOR) na dati nang may Casino ang Movenpick.

O kaya naman, ipinagpapalagay ng PAGCOR na hindi na dapat iulat sa Pangulo na Casino ang Movenpick dahil ito ay junket operation o mga dayuhan ang naglalaro na ang marami ay Chinese national.

Wattafak!

Kahit na mga dayuhang Chinese pa ang naglalaro sa Movenpick, Casino pa rin ‘yan.

Ang nakapagtataka, bakit hindi naiuulat ni PAGCOR Chair Madam Didi Domingo ang mga bagay na ‘yan kay Pangulong Digong?!

Hindi rin kaya niya alam?!

Aba, Madam Didi, dapat siguro ay mapa­syalan mo agad ang Boracay nang sa gayon ay maimbentaryo ninyo kung ilan ba talaga ang mga hotel diyan na may casino operations, junket man ‘yan o lokal?!

Kung hindi kasi tama ang datos na ipinaabot ninyo kay Pangulong Digong, e nagmumukha siyang katawa-tawa.

Gaya niyan, sinasabi niyang hindi siya papayag na may Casino sa Boracay, e hindi ba niya alam na matagal nang namamayagpag ang casino ng Movenpick sa Boracay?!

Kaya po kayo nasa PAGCOR Madam Didi, para hindi magmukhang ‘gago’ ang gobyerno natin.

Kaya kung hindi tama ang ulat ninyo sa Pangulo, Madam Didi — ano kaya ang tingin sa kanya ngayon ng mga pinagsasabihan niya na ayaw niya ng casino sa Boracay?!

Well, your guess is as good as mine.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …