IKINAGULAT ng mga empleyado ng Senado ang isinagawang random at mandatory drug test.
Makaraan ang flag ceremony ay inianunsiyo ni Senador Tito Sotto sa mga kawani at opisyal ng Senado ang pagsasagawa ng random drug test.
Nanguna si Senador Gregorio Honasan nasabing isinagawang random drug testing.
Ilang empleyado ng Senado ang nabigla at ang ilan ay pumabor sa kautusan ni Sotto na pagpapatupad ng random drug test para maging halimbawa ang Senado sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno.
Ngunit inihayag din ni Sotto ang karagdagang P5,000 para sa transportation at grocery allowance na ikinatuwa ng mga kawani ng Senado.
Binigyang-diin ni Sotto, tama lamang ang karagdagang P5,000 allowance para makasabay ang mga empleyado sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.
(CYNTHIA MARTIN)