Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pakyawan ng ‘POGO’ sa PAGCOR dapat imbestigahan ng Kamara

IBANG klase talaga ang mahihilig magnegosyo, ultimo ang Philippine Offshore Gaming Operator o POGO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay nagiging ‘lucrative business’ sa kanila.

Dahil ang Filipinas nga ay una at natatanging bansa sa Asia na nagbibigay ng lisensiya sa offshore online gaming, maraming Asian lalo na ang mga taga-mainland China ang ‘nakabibili’ ng POGO sa mga namamakyaw nito sa PAGCOR.

Ayon sa ating mga mapagkakatiwalaang source, kapag malakas sa PAGCOR, madali silang nakakukuha ng POGO.

Gustong-gusto ng PAGCOR na maraming nag-a-apply para makakuha ng POGO kasi P10 bilyones ang target nilang kitain dito.

Ang ibig sabihin ng offshore, ang mga player na lumalahok dito ay nasa labas ng bansa at hindi mga Filipino.

Naglalaro sila remotely sa pamamagitan ng mga communication device na may kakayahang makapasok sa electronic communication network gaya ng internet.

Ang mga offshore gaming operators naman ang nagpo-provide ng game sa mga player, kumukuha ng taya at nagbabayad sa mga nananalong player.

Kabilang sa mga game sa ilalim ng online gaming ang sports betting at e-casinos ang table games, slots, wheel at dice games, skill games at arcade-type games.

Ang offshore gaming companies ay klasi­pi­kado ng PAGCOR bilang service providers o licensed operators, pareho itong technology-driven enterprises.

Ang tinatawag na service providers ay yaong gaming and software/platform providers, BPO providers, data/content streaming providers at gaming support providers.

Ang mga licensed operators naman ay gaming agents at mga klasipikadong special class BPOs na may kalahok na marketing at customer relation services para sa mga licensed gaming operators overseas, hindi sila dapat humahawak ng betting activities para sa gaming operators at hindi nagseserbisyo sa kahit anong PAGCOR POGO licensee.

Pero hindi naman ito ang nakikita nating problema sa POGO.

Mas tinitingnan natin dito ang talamak na bentahan ng POGO sa halagang P15 milyones at may monthly retainers fee pa.

Kumbaga, mayroong nakakukuha ng mara­ming prangkisa sa PAGCOR at naipagbibili ito sa mga interesadong Chinese businessman mula sa mainland China.

Lumalabas na ang may hawak ng POGO rito sa bansa ay nagiging ‘business o industrial partner’ ng mga taga-mainland China na nabebentahan nila ng POGO.

Sa katunayan, isa sa mga sikat na mahilig ‘mamakyaw’ ng POGO ay isang kongresista mula sa Iloilo.

Alam kaya ng PAGCOR ‘yan, Madam Chair Didi Domingo?!

Talaga namang tubong ala itlog ng pugo ang mga namakyaw ng POGO sa PAGCOR.

Kaya naman pala hindi napapalis ang ngiti sa mga labi ni Madam Didi, dahil mabangong-mabango sa mga dayuhan ang ‘inilalako’ nilang POGO.

Wala bang balak ang Kamara na imbestiga­han ang POGO ng PAGCOR?!

Attention: Madam Speaker GMA!

WALA NANG MADAANAN
SA LITEX FOOTBRIDGE
(ATTENTION: MMDA)

GOOD day po. Report ko lang itong foot­bridge sa Litex puno na ng mga vendors. Wala n pong madaanan pag nasagi cla pa ang galit. Ang mga bantay nila nasa baba lang Task Force Commonwealth. Hndi man lang nila pinababa at sinita. Ano kaya ang mayroon bakit ayaw nila pababain o may lagay na cla kaya hndi nakikita na sagabal sa daanan ng tao? Kanino po puwede magsumbong? Ang barangay chairman wala rin aksiyon. Bulag ba sila? – Concerned Citizen.

+6392749000 – – – –

PANDARAYA
NG ONLINE
CASINO JUNKET
OPERATOR

SIR Jerry, namo-monitor ba ng PAGCOR ang ginagawa ng mga dayuhang casino junket operator? Sample ho ganito: ang playing nila is Hong Kong dollars but win or lose the PAGCOR got equivalent sa peso lang. Siguro they understand each other. Max bet 500k peso pero ang bet ng China people is HK$500k. Ang ibinibigay na kuwenta ng junket/online operator is peso. Pikit-mata na lang ba ang PAGCOR? Do they ever pay taxes? Tsk tsk tsk corruption will never be gone.

+6391961818 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *