Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, imposibleng tumakbo, can’t afford bayaran ang penalties

LAGLAG sa latest Pulse Asia survey si Senator Bam Aquino sa 12 senatoriable. Dahil dito, umugong na naman ang panawagan ng madlang pipol na tumakbong senador na lang si KrisAquino.

Pero duda kami kung tatalima si Kris.

Siya na rin kasi ang nagsabi na hindi siya maaaring pumalaot sa politika dahil nakasaad ito sa kanyang mga kontrata. Kung gusto niyang mamulitika’y kailangan niyang bayaran ang danyos kapalit nito.

Kung ang pinag-uusapan natin ay mahigit 50 commercial endorsements, tiyak na milyon-milyong piso ang katumbas ng dapat niyang bayaran.

Si Kris na rin ang maysabing can’t afford niyang bayaran ang penalties.

Kung hindi man sa taong 2019 ay baka sa 2022 na ambisyonin ni Kris na tumakbo bilang senador. By then, mas hinog at handa na siya.

By then ay 51 years old na siya, hindi natin masasabi kung sa panahong ‘yon ay aktibo pa rin siya sa showbiz.

Mas maganda nga sana kung susundan din ni Kris ang yapak ng kanyang mga magulang at kuya sa darating na eleksiyon. May tulog tiyak ang kanyang makababangga sa mga nangangarap makatuntong sa Senado.

Isa na rito si PCOO Mocha Uson na sa halip na patuloy na nang-aaway ng mga Dilawan ay mas magiging kapuri-puri kung ipaliliwanag niya ang bilyong pisong anomalya sa ahensiyang pinamumunuan nila ni Martin “Paandar” Andanar. 

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …