Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tapos na ang paghahari ni Fariñas

TULAD ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, tapos na ang paghahari ni dating majority leader Rudy Farinas sa Kamara.  Sabi nga, ang pagiging ‘bastonero’ ni Fariñas ay tinuldukan na matapos isagawa ang isang kudeta noong nakaraang Lunes laban kay Alvarez.

Ang grupo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang bagong speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at hinihintay na lamang ang pormal na basbas kay deputy speaker Rolando Andaya Jr., bilang bagong majority floor leader.

Kaya nga, hindi na dapat ipinagpipilitan pa ng ilang kongresista ang panawagan na huwag nang sibakin si Fariñas bilang majority leader dahil tiyak na maraming kongresistang sumu­porta kay GMA ang maaaring magtampo at maga­lit.

Hindi pa ba sapat ang mahabang taong paghahari-harian ni Fariñas sa Kamara? At bakit mo ibibigay ang hinihingi ng grupo ni Fariñas kung mismong siya ang kumuwestiyon sa legalidad ng pagkakasibak kay Alvarez at pag-upo naman ni GMA bilang speaker?

Mukhang kalabisan na ang hinihingi ng mga ‘tuta’ ni Fariñas. Tama lang na sibakin na sa puwesto si Fariñas at tuluyang iluklok bilang majority leader si Andaya.  Alam ni GMA ang kanyang gagawin at hindi siya magpapa-bully sa iilang kongresista sa Kamara.

At mukhang mayroon pang “Plan B” ang pangkat ni Fariñas. Kung hindi raw kasi maibibi­gay ni GMA ang majority floor leader position, maaari naman daw ibigay na lamang sa kanya ang pagiging minority leader.

Ano ka hibang?! Mismong si minority floor leader Danilo Suarez ay tinawag na “hostile minority” kung sakaling si Fariñas ang mamu­muno rito. Sabi pa ni Suarez, kailangan ni GMA ang isang cooperative at sympathetic Congress, at walang puwang na maupo si Fariñas bilang minority leader.

Dapat kay Fariñas, ipaubaya na lamang niya sa mga bagong may hawak ng kapangyarihan ang pagpapatakbo ng Kamara. ‘Wag na niyang ipagpilitan ang kanyang sarili kung mayroon pa siyang kahihiyang natitira bilang kongresista.

Higit na mabuting gawin ngayon ni Fariñas ang manahimik at suportahan si GMA. Sa ganitong paraan, aani pa siya ng respeto sa kanyang mga kasama sa Kongreso.  Hindi na kailangang umasta pa na matapang at matalino si Fariñas dahil tapos na ang kanyang panahon sa Kamara.

Sana gaya rin siya ni Alvarez, nanahimik na lamang, hindi na nagsalita at tinanggap ang kanyang kinasapitang pagkatalo. Pero payo lang kay Fariñas, ‘wag mag-iiinom masyado ng alak, at sa kanyang kabiguan, huwag pipigilin kung tumagas man ang luha mula sa kanyang mga mata. Sige, iyak lang.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *