Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinagbibidahang Harry & Patty nina Ahron Villena at Kakai Bautista Graded B sa CEB

PAGKATAPOS ng hit movies ng CINEKO Productions na Mang Kepweng Returns at Significant Other, isang romantic-comedy naman ang kanilang handog — ang “Harry & Patty” tampok ang parehong controversial stars na sina Ahron Villena at Kakai Bautista.

Nali-link sa isa’t isa at nagkaroon ng feud pero ngayon ay best of friends na. At bongga dahil ngayon ay bibida na sa Harry & Patty (A beginning of a not so beautiful love story) ang dalawa.

Tinanong si Ahron sa presscon nila ni Kakai kung maihahalintulad ba sa titulo ng kanilang pelikula ang kuwento nila ni Kakai sa totoong buhay. Nagsimula rin ba ito sa hindi magandang love story?

“Actually po talaga, ang hirap po kasing mag-ano… marami po talagang tao na, si Kakai po kasi, sobrang naging close kami niyan.

“Sa mga hindi nakaaalam, naging close kami sa Japan. Doon nagsimula ang friendship namin,” pagbabahagi ng aktor.

‘Yun nga lang, may nag-akala raw na nanay niya si Kakai noong nasa Japan sila.

“Napagkamalan siyang nanay ko ng Immigration Officer ng Japan. “Do’n talaga nag-start and from there, ‘yung friendship namin, tumagal nang tumagal.

“Hanggang sa dumating sa point na ‘yung mga taong malisyoso, ‘yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap.”

Inilinaw namin kay Ahron kung nagkaroon ng malisya si Kakai sa friendship nila.

Aniya, “‘Yung ibang tao. ‘Yung mga sumawsaw na. “Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, ‘O tara, picture tayong dalawa.’

“Tapos ‘yung mga tao ang nagbibigay ng meaning,” diin niya. “Pero we are really good friends talaga. ‘Yung sa Japan, doon naging close kami.”

Real love story. “Good friends” lang talaga sila, hindi puwedeng mauwi sa isang love story?

“Hindi ko alam!” natawang sabi ng actor. “Mahirap magsalita nang tapos. Hindi ko alam!”

“Mahirap magsalita ng tapos,” dugtong pa niya. “Si Kakai is a good person. Sobrang mabait. Pag-amin naman ni Kakai, makailang beses niyang pinag-isipan kung tatang­gapin niyang makasama sa pelikula si Ahron.

“Kasi nga sobrang natatakot ako. Kasi alam n’yo naman sikat na sikat ako sa pangba-bash and everything, lalo na kapag tungkol sa aming dalawa. Tapos naisip ko kailangan kong mag-ipon ng pera kasi mayroon akong bibilhin. So, naisip ko ‘yon, ‘Sige ‘di bale na lang kahit anong sabihin ng tao, igo-go ko na ito,” ani Kakai na iginiit na si Ahron ang gumawa ng paraan para sa kanilang pagkakasundo.

Ipapalabas ang “Harry & Patty” ngayong August 1 at panoorin ninyo, para malaman kung bakit Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …