SA totoo lang, tuwang-tuwa kami nang makita namin ang picture nina James Yap, ang kanyang soon to be legal wife na si Michella Cazzola, at ang kanilang dalawang anak. Picture of a happy and loving family. Nakatutuwa iyong ganoon na nakikita mo tahimik at nagmamahalan ang isang pamilya.
May malaki pang cake, iyon pala ay dahil one month old na ang kanilang bunsong si Francesca Michelle. Ganoon nila kamahal ang kanilang anak, at siyempre dahil may picture, post agad sila sa social media account nila.
Nakatutuwa ang ganyan, masaya ang isang pamilya at hindi nagpapa-apekto ano mang katsang ang gawin ng ibang taong nega.
HATAWAN
ni Ed de Leon