Monday , December 23 2024

Senado tinabangan sa TRAIN 2

INAMIN na ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mayorya ng mga senador ay hindi pabor na talakayin ang ikalawang package ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kahit na binanggit ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Palpak nga naman ang economic managers ni Pangulong Digong sa TRAIN 1. Nagalit ang mga mamamayan at hanggang ngayon ay hindi makaahon ang marami nating kababayan sa bagsak na nga e lalo pang nasalantang kabuha­yan sa pananagasa ng TRAIN 1.

Mismong si Sotto ay nagsabi na hindi natu­pad ang mga ipinangako at ang pagtaya ng economic managers nang mangyari ang deliberasyon ng TRAIN 1.

“Paso kami sa TRAIN 1 e. Hindi kami kom­por­table sa naririnig namin na sabi nila walang inflation, e may inflation e,” wika ni Sotto.

Kabilang sa mga legislative agenda na tinalakay sa kanilang caucus ng majority senators ang TRAIN 1.

Mayroon din delay sa implementasyon ng mga hakbang na magpapagaan sa epekto ng TRAIN 1 para sa mahihirap kabilang ang cash transfer at fuel subsidy para sa mga tsuper.

“Hindi maiiwasan na mag-init ang ulo ng members ng Committee of Ways and Means dahil ‘yun ang sinabi nila,” pahayag ni Sotto.

“Kung TRAIN 2 ang pinag-iinitan nila, tingnan nila ‘yung dalawang bill na sinasabi namin na naka-pending sa amin imbes TRAIN 2 ang pag-usapan. Mas madali sa aming makipag-usap sa kanila kapag ganoon.”

Pero sa totoo lang, mas naniniwala tayo na kaya nagsasalita nang ganito ang ilang mambabatas e dahil malapit na ang eleksiyon.

Sinong politiko ang maglalakas-loob na ipangalandakan na pabor sila sa TRAIN 2 gayong galit na galit ang malawak na sambayanan sa epekto ng Train 1?

Huwag kalimutan… E-VAT si Recto?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *