Monday , December 23 2024

Matingkad na integridad ni Justice Antonio Carpio

NAKAPANGHIHI­NA­YANG  ang pagtanggi ni Senior Associate Jus­tice Antonio T. Carpio bilang susunod na pu­nong mahistrado ng Korte Suprema.

Umpisa pa lang ay mismong si Carpio pa ang humiling na ipuwera siya sa nominasyon at sa listahan ng papalit sa binakanteng puwesto ni ousted chief justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi, marami pa rin ang nagpilit na irekomenda si Carpio pero nabigong kombinsihin siya na magbago ng pasiya.

Bihira na ang tulad ni Carpio na may deli­cadeza at may mataas na pagpapahalaga sa ma­bu­ting pamantayan para sa mga dapat manung­kulan sa alinmang tanggapan ng pamahalaan.

Kaya naman dapat lang hangaan si Carpio na naatim isantabi ang pansariling interes kahit pa siya ang most qualified, habang ang iba ay nagkakandarapa sa pinag-aagawang puwesto na kanyang tinanggihan.

Ang dahilan ng kanyang pagtanggi, ayon kay Carpio, ay ayaw niyang makinabang sa pagka­kapatalsik kay Sereno.

Mas pinahahalagahan ni Carpio na isaalang-alang ang integridad ng Kataas-taasang Hukuman at judiciary kaysa kanyang sarili kahit may isang taon pa siyang mamamalagi sa serbisyo.

Bagama’t nanghihinayang tayo sa pagtanggi ni Carpio ay wala tayong magagawa kung ‘di igalang ang kanyang pasiya.

Mabuhay po kayo, Honorable Justice Antonio T. Carpio!

P1-M IPINABABALIK
NG COA SA RADIO
REPORTER CUM PR

IPINASASAULI ng Commission on Audit (COA) ang P1,050,000.00 cash advances na ibinayad ng Council for the Welfare of Children (CWC) sa isang dating DZMM radio reporter.

Lumalabas sa 2017 COA audit report na ang halaga ay ibinayad ng CWC sa radio reporter para sa pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) noong nakaraang taon.

Ang ipinababawing pondo ay kapalit ng mga serbisyo ng radio reporter sa mga sumusunod na gampanin:

“1) Arrange the radio and television guestings of CWC ensure availability of CWC officials and/or technical staff to these guestings; 2) Compile news reports/articles and submit the same to CWC for their reference; 3) distribute NCM materials such as posters, whistle with how to use card, and briefer to all press/media personnel who attended the NCM activities; at 4) invite press people to the various activities of NCM.”

Ayun, sabay ginagampanan ang trabaho bilang PR at media practioner. (Hehehe!)

Pero nabisto ng COA state auditors na labag sa Procurement Law ang binayarang serbisyo ng CWC sa radio reporter na bukod sa walang kontrata ay hindi rin dumaan sa bidding o subasta.

Inuutusan ang radio reporter na ibalik ang pera, ayon sa COA:

“We recommended and Management agreed to require the persons liable to settle the disallowance amounting to P1,050,000.00.”

‘Yan naman ay puwedeng maibalik kung hindi pa nadispalko ang pera na handang abonohan ng network!

Magkakaalaman ngayon kung walang ‘nabu­kulan’ at kung ayon sa ‘cash-sunduan’ ay naka­rating ang ‘talent fee’ kapalit ng mga ‘press release’ na nailabas sa mga pahayagan, radyo at tele­bisyon.

‘Pag nagkataon, sasabit din sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corruption Practices si dating Caloocan City Rep. Mary Mitzi Cajayon-Uy, ang kasalukuyang executive director ng CWC.

Balita natin, idinidiin umano ng radio reporter sa kinasangkutang anomalya ang isang pobreng driver ng kanilang network.

Ang hindi natin alam ay kung nakombinse ng enterprising radio reporter ang management ng kanilang network sa kanyang palusot, ‘este, pali­wanag.

Hindi kapani-paniwala ang alibi ng radio reporter dahil kahit sa sentido-kumon ay labag na makipag-transaksiyon sa driver ang alinmang opisina ng gobyerno.

At paano magtuturo ng iba ang radio reporter kung ang COA mismo ay may hawak na xerox copy ng ID mula sa tumanggap ng pera?

Que barbaridad!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *