Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, kakaiba ang talento sa musika!

FIRST time pa lang naming narinig ang kantang Akala ni Marion Aunor, nagandahan na agad kami rito. Ito bale ang theme song ng pelikulang The Day After Valentines at minsan pang pinatunayan ni Marion ang kanyang talento sa musika sa pamamagitan ng nasabing kanta.

Abala ngayon ang talented na anak ng dating 70’s teenstar na si Ms. Lala Aunor sa promo/mall shows ng The Day After Valentines. Ang naturang pelikula na tinatampukan nina Bela Padilla at JC Santos ay entry sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pina­mumunuan ni Ms. Liza Diño. Ang PPP ay mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide.

Ayon kay Marion, dapat ay ilalabas niya ang kantang ito bilang bahagi ng kanyang EP. “Plano ko talaga (siya) na ilabas as EP (Extended Play) or like ‘yung mini-album, this year. Kaya lang nagustuhan nila Boss Vic (del Rosario), so ipinagamit doon sa movie nina Direk Jason Paul (Laxamana), Bela Padilla, at JC Santos,” wika ni Marion.

Unlike nang ginawa niyang movie theme song tulad ng Ang Pambansang Thirdwheel na pinanood muna ni Marion ang movie bago ginawan ng kanta, ang Akala ay gawa na raw talaga bago naging theme song.

“Ito gawa na talaga, tapos parang inilapat ko lang ito, tapos nagustuhan ng direktor, si Direk Jason Paul Laxamana.”

Nabanggit ni Marion na excited siya sa music video nito. ”Very excited ako dahil may lalabas na music video, na-shoot na po namin last week. Para ma-introduce talaga, ma-launch talaga as theme song itong Akala,” esplika ng astig na singer/songwriter.

Anong dapat asahan ng fans mo sa iyo? “Ngayon, marami akong sinusulat for… sa sarili ko and sa other artists, so abangan ninyo ‘yung album ko, abangan n’yo ‘yung The Day After Valentines na ‘yung theme song nga, ako ang sumulat at kumanta. Then, mayroon din akong isinulat for another artist, si Nicole, from Viva siya.

“Iyong, theme song ng movie na Jacqueline Comes Home, ako rin po ang nagsulat, pero ‘di po ako ang kumanta. Ang name ng song, May Liwanag sa Dilim. Bale ‘yung song, dapat ibibigay ko kay Ms. Regine Velasquez. Kaya lang natapos na po ‘yung album niya, kaya ayun, hinana­pan namin ng ibang puwedeng lagyan na movie. Sumakto na­man po sa Jacqueline Comes Home,” aniya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …