Monday , November 25 2024
Movies Cinema

FDCP, milyon ang ‘natapon’ para sa mga indie film

MALIWANAG ang report ng Commission on Audit na ang Film Development Council of the Philippines ay nakapagpalabas ng P25-M  bilang suporta sa mga film festival at mga manggagawa ng mga pelikulang indie na hindi na maibalik dahil ang mga ginawang pelikula ay hindi tinangkilik ng audience, ibig sabihin talagang flop. Iyang report na iyan ng COA ay malamang na base pa sa mga gastusin ng FDCP noong nakaraang taon.

Pero sa kabila niyan, may festival na naman sila ngayong Agosto na ang palabas ay puro indie pa rin na tiyak namang hindi rin kikita. Wala pa pong indie, maski na iyong sa CineMalaya ng CCP, o iyong CinemaOne ng ABS-CBN, o iyong festival ng Quezon City, at iyan sa FDCP na kumita. Lahat po iyan ay flop talaga.

Nakapanlulumo lamang na marinig na alam na pala nilang ganyan, milyon na ang natatapon sa pondo ng gobyerno, ayaw pa nilang tigilan, habang ang mga mamamayan ay nakukuba na sa pagbabayad ng mataas na taxes at pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at bayarin dahil diyan sa TRAIN law. Humahanap ang gobyerno kung paano magkakaroon ng pera para sa mga proyekto, iyon pala itinatapon lang diyan sa mga pelikulang indie?

Iyan bang FDCP ay talagang siyang nagbibigay ng “pantawid kabuhayan” para gumawa ng mga pelikulang hindi naman kumikita? Mag-isip naman tayo. Gusto nating buhayin ang industriya ng pelikula, pero napatutunayan na natin na ang industriyang ito ay hindi mabubuhay kung gagawa lang tayo ng mga pelikulang indie na ayaw namang panoorin ng mga tao.

Kaya nga industriya eh. Negosyo ang ibig sabihin. Kailangang kumita. Kung walang gagawin kundi magpalugi, matatawag bang industriya iyan? Kailan ba naman tayo magigising sa katotohanan na walang kinabukasan iyang mga indie na iyan. Kawawa ang mga sinehan na nagpapalabas niyan. Tapos pipilitin pa ninyong ipalabas nila nationwide ng sabay-sabay ang mga pelikula ninyong hindi naman kikita.

Tapos ano, pera ng gobyerno ang napaparada?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *