Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chynna, gustong maging tulad ni Charo Santos

OKEY lang kay Chynna Ortaleza kung isipin ng iba na “weird” ang ambisyon niya.

Balang-araw kasi ay nais ni Chynna na maging Presidente ng isang TV network!

“I’d like to be parang in the executive position of a production or like mounting these things.

“Naalala ko 18 ako nang may nagtanong sa akin ng same question tapos hindi ko alam kung natawa ba sila or feeling nila ano ba ang pinagsasasabi ko.

“’Yung mga ganoon. Tapos ang isinagot ko, ‘Actually ano po, may isa po akong panaginip, at gusto ko pong maging head ng GMA!’

“Iyon ‘yung sinabi ko noong bata ako. Tapos natawa sila, tapos ako rin after niyon, siyempre parang feeling ko, ‘Tama ba ‘yung isinagot ko? Parang mali yata kasi nakatatawa.’

“Pero may ganoon ako talaga eversince.”

Ang pinakamataas na posisyon ang gusto ni Chynna.

“Ganoon talaga ‘yung gusto kong mangyari. Kumbaga, mahal ko talaga ‘yung pag-arte and feeling ko iyon din ‘yung naging daan niya para matuto ako tungkol sa industriya.

“Kasi ano rin ako eh, Com Arts din ako noong college. Tapos sabi sa akin ng tatay ko noong pinayagan niya akong mag-fulltime sa pag-aartista is, ‘Hindi naman natatapos ang learning mo sa college, anak. So kung iyan na rin ang industriyang papasukin mo, eh iyan din naman  ang papasukin mo after mag-graduate, so, ipangako mo lang sa akin na huwag kang maging tanga!’

“Iyan ang sabi ng tatay ko, na ‘Huwag ka lang mag-stay diyan sa tent mo at tumanga.’

“So eversince may ugali talaga ako na paikot-ikot, nakikipag-usap, matanong.

“Minsan nami-misinterpret pero kasi ngayon it makes sense dahil din doon sa katatanong ko, at sa pag-explore-explore ko, alam  ko na kasi kung ano ‘yung dapat kong i-mount.

“’Yung mga ganoon.”

Sa madaling salita, nais ni Chynna na balang-araw ay magpatakbo ng isang buong TV network, nais niyang maging katulad ng pinuno ng GMA na si Atty. Felipe Gozon!

“Opo! Sorry ha, alam ko sasabihin ng iba, parang ang taas naman, pero iyon po talaga, eh.”

Or dahil babae siya ay maging tulad ni Ms. Charo Santos ng ABS-CBN, na naging artista muna bago naging top executive ng ABS-CBN.

“Actually, oo isa rin siya sa mga tao na parang ‘pag nakikita ko siya nai-inspire ako sa kanya.

“Iyon talaga iyon, honestly.”

Workshopper si Chynna ni Anthony Vincent Bova, ang international acting coach para sa empowerment training o acting workshop ng GMA Artist Center.

Mapapanood si Chynna sa Victor Magtanggol bilang si Lynette Magtanggol simula Lunes, July 30 sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …