TINIYAK ni Christian Bables na marami pa siyang maipakikita sa ibang pelikulang gagawin at ginagawa. Ang pagtitiyak ay ginawa ni Christian sa presscon ng pinakabago niyang handog na pelikula na isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Signal Rock na idinirehe ni Chito Rono mula sa kanyang CSH Film PH Production at ipamamahagi ng Regal Entertainment Inc..
Ani Christian, ”This is a difference challenge kumbaga. Ibang character, iba po roon sa mga ginawa ko at gagawin ko pa.
“So I think kung naibigay ko man ‘yung, if I may say a thousand percent kung acceptable iyon, siguro maibibigay ko pa rin naman iyon sa iba. Kasi iba naman ang requirement ng iba ko pang mga gagawin.”
Ginagampanan ni Christian ang papel ni Intoy na nakatira sa isang mahirap na isla na tanging ang pangingisda ang hanapbuhay. Inaalagaan niya ang kanyang mga magulang habang naghihintay sa padala ng kapatid na si Vicky na isang OFW.
Kasama ni Christian sa Signal Rock sina Elora Españo, Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Nanding Josef, Archie Adamos, Sue Prado, JayR Versales, Keana Reeves, Julia Chua, Kokoy De Santos, Jomari Angeles, Rubu Ruiz, Mon Confiado, Ces Quesada, Lee O’Brian, Dido Dela Paz,at marami pang iba.
Samantala, nilinaw ni Christian na hindi ang Signal Rock movie ang
“Hindi po ito ‘yon. Base sa mga tsismis ‘yung teleseryeng ginagawa ko ngayon. Iyon ‘yung Halik ng ABS-CBN. Nauna po ito bago iyong pag-uusap namin nina direk Jun (Lana).”
Sinabi ni Christian na okey na sila nina Direk Jun Lana at Perci Intalan.
“Okey na kami. Sobrang okey na. I considered this PPP as a blessings. Ito talaga ang nakita kong chance na magka-usap kami.
Idinagdag pa ni Christian na siya ang nag-reachout kina Direk Jun at Perci. ”Opo. Hindi kasi talaga ako akatiis.”
Sa kuwento pa ni Christian, November pa niya gustong makipag-usap sa dalawang direktor. ”Hindi ako nagkaroon ng chance na makita sila. Nagkaroon lang ako ng chance na i-message si direk Jun thru FB messenger. That’s it. Pero ‘yung personal na reconciliation hindi ko nagawa sa kanila. Hindi ko sila natanong what it is na ikinasasama ng loob nila sa akin at ihihingi ko ng tawad.”
Aminado rin si Christian na naapektuhan ang career niya dahil sa pangyayaring iyon. ”Halos araw-araw akong nakakabasa ng mga bad write up about me na ako personally, it’s painful for me kasi ‘yung mga nakasulat sa write-up hindi totoo.
“‘Yung utang na loob na sinasabi nila that is one thing na hindi ko mapapayagan kung bubuksan ninyo ang dibdib ko, ‘yung utang na loob will always be here hanggang sa mamatay ako.
“Itong mga taong ito (Direk Jun at Direk Perci) ang dahilan kung bakit ako narito. So, its very unfair for me and for them para sabihin na nag-fall apart ‘yung tiwala, ‘yung utang na loob ko sa kanila. Hindi po mangyayari.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio